Horoscope | August 19, 2024 (Lunes)
- BULGAR
- Aug 19, 2024
- 2 min read
ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | August 19, 2024

Sa may kaarawan ngayong Agosto 19, 2024 (Lunes): Hindi lang magandang kapalaran ang para sa iyo. Dahil ang sarap, saya at maunlad na buhay ay nakalaan din para sa iyo. Ito ang kahulugan ng araw ng iyong pagsilang.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Makakasingit sa iyo ang saya kahit mabibigat ang hamon na iyong kinakaharap. Aalisin ng langit ang lahat ng iyong problema hanggang sa guminhawa ang pakiramdam mo. Ito ang mensahe ng kapalaran mo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-8-10-14-17-20-25.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Lilinaw ang isip mo ngayon. Ang tama ang dapat mong piliin at gawin, dahil langit mismo ang gagabay sa pagdedesisyon mo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-20-22-28-30-31-32.
GEMINI (May 21-June 20) - Huwag mong aksayahin ang mga suwerteng ihuhulog sa iyo ng langit. Ang mga ito ay para sa kinabukasan mo at hindi para ngayon. Ito ang paalala ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-lavender. Tips sa lotto-9-11-18-25-27-34.
CANCER (June 21-July 22) - May kapalit kapag may nawala, pero kahit ito ay totoo, hindi mo pa ito matatanggap dahil ang nawala ay mananatili sa iyo sa mahabang panahon. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-7-10-14-15-25-36.
LEO (July 23-Aug. 22) - Tutukan mo ang iyong pagsisikap. Hindi dapat maagaw ang atensyon mo sa paglilibang at pag-aaksaya ng kabuhayan. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-18-22-24-28-35-41.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Ito ang araw na aakalain mong hindi ka suwerte. Pero, kapag ika’y nanahimik at hindi umangal, magugulat ka dahil dobleng suwerte ang mapapasaiyo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-7-18-23-24-25-34.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Huwag kang maniwala sa magagandang salita. Suriin mo muna ang personalidad nila, dahil maraming mandaraya na itinatago ang tunay na motibo. Ito ang paalala sa iyo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-17-22-24-28-35-42.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Lumagay ka sa ayos upang malutas ang mga problema mo. Ang kawalang ayos ng buhay ang tunay na dahilan ng mga problema. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-16-18-21-27-36-41.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Huwag mong hanapin sa iba ang iyong katangian. Kapag hinanap mo ito, sasakit lang ang iyong loob. Tandaan mo na sadyang magkaiba ang mga tao. Ito ang mensahe sa iyo ng kapalaran. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-2-10-14-19-27-33.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Huwag mong labanan ng galit ang galit. Pag-ibig ang pantapat sa galit, kaya pakitaan mo ng maganda ang nagagalit sa iyo. Sa huli, magsisisi siya at hihingi ng tawad sa iyo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-18-25-28-36-40-42.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Pakinggan mo ang opinyon ng iba. Hindi maganda na masyado kang nagtitiwala sa iyong sarili. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-16-22-24-28-35-38.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Susuwertehin ka ngayon, pero may kondisyon na nagsasabing unahin mo muna ang mga obligasyon sa bahay bago ang paglalakwatsa. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-14-22-25-27-38-41.


Comments