Horoscope | August 19, 2022 (Biyernes)
ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| Agosto 19, 2022
Sa may kaarawan ngayong Agosto 19, 2022 (Biyernes): Ipanatag mo ang iyong sarili dahil kahit magkamali o maligaw ka man ng landas, iisa lang ang kauuwian mo at ito ay ang pagkakaroon ng magandang buhay.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Kahit nasaan, puwedeng sumaya. Hindi mo na kailangang lumabas pa ng bahay. Ang malalapit at ilang mga kaibigan mo ay pasasayahin ka kahit sila ay nasa malayo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto- 14-29-20-34-38-41.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Makakadama ka ng lungkot, pero panandalian lang dahil agad itong mapapalitan ng masuwerteng balita, kung saan ang ilang mga pangarap mo ay magkakaroon na ng katuparan. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-17-20-23-28-39-40.
GEMINI (May 21-June 20) - Hindi ka puwedeng manatili sa bahay nang matagal. Ang payo ay mamasyal at maglibang ka o pumunta sa lugar kung saan maraming nagsasaya at naglalakwatsa. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-6-11-14-16-23-25.
CANCER (June 21-July 22) - Ngayon ang takdang araw na magsisimula nang madama mo na lalo pang gaganda ang buhay mo. Huwag mong sarilihin ang mga biyayang mapasasaiyo, ang ilan dito ay dapat mong ibahagi sa iyong kapwa. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-2-11-17-20-28-30.
LEO (July 23-Aug. 22) - Suwerte ka at ang panalo ay para sa iyo. Hindi ka bibiguin ng langit kahit ang laban mo ay talagang sobrang mahirap at maliit ang tsansa na magwagi ka. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-14-21-29-31-32-38.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Huwag mong kontrahin ang mga maririnig mong hindi magagandang ideya. Mas makakabuti na huwag pansinin ang mga ito dahil kapag tahimik ka ngayon, susuwertehin ka. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-12-19-26-39-40-42.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Dinadagdagan ang kulang. Dagdagan mo pa ang iyong pagsisikap nang sa gayun ay hindi ka manghinayang sa malalaki at magandang bagay na mapasasaiyo sa karagdagang sikap na iyong ginagawa. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-7-16-17-26-34-35.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Ingatan mo ang bagong bagay na napasaiyo. Minsan, mahirap talagang maunawaan ang hiwaga ng kapalaran. Ang bagong bagay na pag-aari mo ay magsisilbing pampasuwerte. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-14-16-20-22-25-34.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Sumunod ka at huwag tumutol sa sasabihin ng mas matataas ang ranggo sa iyo. Higit niyang malalaman kung ano ang makakabuti at makakatulong sa iyo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-7-18-25-27-35-41.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Magbigay ka at babalik sa iyo ang mas marami. Ito ang sikreto ng iyong kapalaran. Muli, huwag mong kalilimutan na magbigay dahil mas marami ang babalik sa iyo. Masuwerteng kulay-orange. Tips sa lotto-16-19-21-27-32-35.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Nasa mga kaibigan na palaging nakakasama sa paglalakwatsa ang mga suwerte mo. Noon mo pa man ay alam mo ang katotohanang ito dahil kakaibang saya ang dulot nila sa buhay mo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-6-14-19-28-30-33.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Huwag kang magtiwala sa kahit na sino. Mas pagkatiwalaan mo ang iyong sarili. Mabilis mong sundin ang ipagagawa ng isip mo. Sa ganitong paraan, magugulat ka dahil malalakingsuwerte ang mapasasaiyo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-11-16-22-28-31-41.




Comments