top of page

Horoscope | August 18, 2021 (Miyerkules)

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 18, 2021
  • 2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| August 18, 2021



Sa may kaarawan ngayong Agosto 18, 2021 (Miyerkules): Ginagarantiyahan ng araw ng iyong pagsilang na ang mga ambisyon mo, gaanuman ito kalaki ay mapasasaiyo.



ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Makipagsapalaran ka at ikaw ay mananalo. Mas magandang sa negosyo ka tumaya nang sa gayun ay lalo pang lumago ang iyong kaban-yaman. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-9-18-20-23-29-34.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Bibigyan ka ng langit ng tapang upang magawa mo ang mga gusto mong gawin. Kaya hindi ka na dapat pang panghinaan ng loob. Kumilos ka na ngayon. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-7-10-14-23-38-42.


GEMINI (May 21-June 20) - Lumalabis ang tiwala mo sa iyong sarili. Mag-ingat ka dahil ang anumang sobra ay hindi maganda. Ang payo ay balikan mo ang iyong masasaklap na kabiguan. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-19-20-25-30-45-46.


CANCER (June 21-July 22) - Kapag may kumontra sa iyo, lihim kang matuwa. Dahil ang inilatag ng langit na kondisyon bago ihulog sa iyo ang malaking suwerte ay ang may sumalungat muna sa gusto mo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-18-22-24-38-35-43.


LEO (July 23-Aug. 22) - Nakagugulat ang mga kaganapan sa iyong buhay. Ang malalaking pangarap mo ay mas mapalalaki mo pa. Ang isa pang nakagugulat, mapasasaiyo ang marami sa mga ito. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-16-20-21-25-34-37.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Ilabas mo ang iyong lakas ng loob, kaya gamitin mo ito sa pagpaparami ng kabuhayan. Huwag na huwag mong gagamitin sa pakikipagrelasyon na alam mong bawal. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-12-15-24-38-41-45.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Gusto ka ng umaasta na ayaw sa iyo. Ito ang lihim ng iyong kapalaran ngayon. Para mapatunayan kung totoo, dikitan mo ang umaayaw sa iyo at tiyak na hindi siya lalayo. Masuwerteng kulay-burgundy. Tips sa lotto-5-11-15-25-31-32.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Ipanatag mo ang iyong kalooban. Hindi ka madedehado kahit marami ang naglilitawang mga kakumpitensya mo sa negosyo. Sa huli, isa-isa rin naman silang magsisihinto. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-4-17-20-21-25-41.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Nakaalalay sa iyo ang langit, kaya wala kang dapat ikabahala sa mga proyekto mong sa biglang tingin ay mahirap tapusin. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-17-18-23-25-34-44.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Nakamamangha ang iyong kapalaran. May ilang minamaliit ka, pero ang totoo, sila ay hanga sa iyo. Ayaw lang nilang mabistong mas maganda ang katangian mo kaysa sa kanila. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-9-13-17-29-37-41.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Tanggal at walang magagawa ang pagiging mapagmalaki ng taong kung umasta ay hawak niya ang mundo. Siya ang susuko ngayon sa iyo at ang nakatutuwa pa nito, gusto pala niyang mapalapit sa iyo. Masuwerteng kulay-aquamarine. Tips sa lotto-7-16-18-21-28-30.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Huwag kang mauna. Hayaan mong pumorma ang malakas ang loob. Siya ay mabibigo at sa kabiguan niya, kumuha ka ng ideya at tiyak na hindi ka matutulad sa kanyang kinahinatnan. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-16-19-21-25-34-36.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page