Horoscope | August 17, 2022 (Miyerkules)
ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| Agosto 17, 2022
Sa may kaarawan ngayong Agosto 17, 2022 (Miyerkules): Marami ang susuwertehin dahil sa iyo, habang may ilang aamin at maglilihim. Mas makakabuti na gamitin mo sa iyong sarili ang mga suwerteng ito upang hindi na mapunta sa iba.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Nasa pagpapalawak ng negosyo ang suwerte mo. Ibig sabihin, ngayon ang panahon para ituloy mo ang iyong plano na palakihin ang pinagkakakitaan mo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-17-20-21-24-27-31.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Kapag maayos ang takbo sa buhay pamilya, ang mga suwerte ay magdaratingan sa iyong harapan. Kaya pagsikapan mo na maayos ang mga gusot sa bawat miyembro ng inyong pamilya. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-19-22-28-30-32-34.
GEMINI (May 21-June 20) - Nasa mabilis na pagpapasya ang sikreto ng pagkakaroon mo ng magagandang kapalaran. Kaya ang pangkaraniwang payo na ‘wag mag-alinlangan ay para sa iyo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-19-25-27-36-38-40.
CANCER (June 21-July 22) - Dumikit ka sa halip na lumayo sa gumagawa sa iyo ng hindi maganda. Sa ganitong paraan, siya ay masusurpresa at walang pagdududa na magbabago ang pakikitungo sa iyo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-16-21-24-25-32-35.
LEO (July 23-Aug. 22) - Magbawas ka ng mga aktibidad na nagagastusan ka. Ang totoo, noon mo pa ito inisip, kaya lang, wala kang magawa. Sa ngayon, tama ka, kaya ngayon mo na isagawa ang mga naturang gawain. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-13-23-26-28-37-42.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Bakit ka maiinip? Natandaan mo ba ang nangyari sa nakaraan na naipanatag mo ang iyong sarili at nagdatingan ang mga hinihintay mong magagandang bagay? Ito ang paalala ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-18-22-25-33-39-41.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Sundin mo ang iyong sarili dahil mali kapag sinunod mo ang gusto ng iba. Kapag may kalayaan ang tao, mas gaganda ang buhay niya at malalayo siya sa karamdaman. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-11-14-16-21-25-27.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Oo, malungkot ka, pero maliit lang naman ang lungkot mo, ngunit lalaki ito kapag hindi ka na nagsaya. Ang munting buto, kapag diniligan ay nagiging malaking punong-kahoy. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-2-9-18-27-30-42.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Huwag kang makinig sa payo na nagsasabing hindi maganda ang ambisyoso. Dahil para sa iyo, ang malalaking ambisyon ay bagay na bagay sa iyo. Ito ang mensahe ng kapalaran mo. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-13-20-21-26-35-41.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Haluan mo ng pagsasaya ang trabaho. Magbiro ka at magkuwento ng masasayang naranasan mo. Sa ganitong paraan, ang pagkabagot ay malalabanan mo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-12-20-29-33-38-40.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Isuot mo ngayon ang iyong paboritong kuwintas. Ito mismo ang pampasuwerte mo na magsisilbing magnet sa mga suwerte na nasa iyong paligid. Masuwerteng kulay-orange. Tips sa lotto-14-21-26-34-35-40.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Lumakad ka na nakataas ang ulo na may kaunting bilis. Ito ang iyong espesyal na pampabuwenas. Gawin mo at magugulat ka sa positibo at magagandang resulta na magaganap. Masuwerteng kulay-mint green. Tips sa lotto-4-16-25-34-33-43.




Comments