top of page
Kim Chiu - IG.jpg

Horoscope | August 16, 2024 (Biyernes)

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 16, 2024
  • 2 min read

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | August 16, 2024



Horoscope

Sa may kaarawan ngayong Agosto 16, 2024 (Biyernes): Taglay mo ang malikhaing kaisipan.  Gamitin mo ito sa paglikha ng mga bagay na iyong mapapakinabangan, at huwag mo itong gamitin sa pag-iisip ng mga negatibong bagay.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Huwag mong dayain ang iyong sarili. Kung ano lang ang nahahawakan ng iyong mga kamay, ‘yun lang ang iyong bilangin. Sana malinaw ito sa iyo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-9-10-20-24-30-31.

 

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Huwag ka agad maniniwala sa mga naririnig mong magagandang bagay dahil ‘yun ang kadalasang ginagamit ng mga mandaraya. Mag-ingat ka.  Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-4-19-21-27-34-37.

 

GEMINI (May 21-June 20) - Hawakan mo nang mahigpit ang matatanggap mong pagpapala ngayon. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-18-22-27-35-39-41.

 

CANCER (June 21-July 22) - Huwag mong hayaan na makalampas sa iyo ang magandang kapalaran. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-11-17-25-27-34-41.

 

LEO (July 23-Aug. 22) - Mahihirapan kang mamili ngayon, dahil marami kang pagpipilian. Kung hindi mo magawang pumili, sundin mo ang sinasabi ng mahal mo. Masuwerteng kulay-orange. Tips sa lotto-8-12-23-38-40-42.

 

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Marami kang maririnig na mga imbentong kuwento laban sa mga malalapit sa iyo. Huwag mo na itong palakihin pa, at baka mas lalo lang gumulo ang sitwasyon. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-17-20-22-27-38-40.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Bigyang laya mo ang iyong sarili. Walang sinuman ang puwedeng magbigay sa iyo ng kalayaan. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-16-21-29-33-38-42.

 

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Ito ang araw na magugulat ka dahil aakalain mong patuloy pa rin ang ‘di magagandang karanasan sa iyong kapalaran. Pero, ‘wag ka mag-alala dahil ngayon na mag-uumpisang gumanda ang buhay mo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-6-19-21-23-38-42.

 

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Tapusin mo muna ang dapat mong tapusin bago ka magsimula ng iba pang gawain para hindi ka matambakan. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-4-16-27-33-35-41.

 

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Hindi maganda sa iyo ang magpalit ng plano at mag-iba ng isip, dahil papangit lang ang mga pangyayari kaysa na bumuti. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-19-21-25-26-38-41.

 

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Kikilos ka na parang ikaw ay sobrang masaya. Dahil dito, talagang sasaya ka. Ang mga suwerte ay maglulundagan sa iyo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-16-20-22-25-30-33.

 

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Hindi puwedeng nasa loob ka lang ng bahay. Mas maganda na mamasyal ka. Sa ganitong paraan, mananariwa ang iyong kapalaran at ang lahat ay gaganda para sa iyo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-1-16-20-36-31-39.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page