Horoscope | August 15, 2022 (Lunes)
ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| Agosto 15, 2022
Sa may kaarawan ngayong Agosto 15, 2022 (Lunes): Isa lang ang kauuwian ng iyong kapalaran kahit napakarami mong pinagdaanan at ito ay magiging maligaya at maganda ang iyong buhay.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Nakakagulat ang sinasabi ng mga bituin sa araw na ito. Ang mga hindi maganda ay makikitang nagsisiganda at ang hindi magandang nararanasan mo ay gaganda na rin. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-10-23-26-29-30-33.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Kakaibang ngiti ang ipapakita ng iyong mga labi ngayon dahil sa magagandang kapalaran na hindi mo inaasahan. Ito ang mensahe para sa iyo sa kasalukuyan. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-5-18-25-28-34-42.
GEMINI (May 21-June 20) - Marami ang namuhunan para umasenso ang buhay at marami rin ang nagsisikap na gumanda ang kapalaran, pero ikaw ay walang kahirap-hirap sa mga suwerteng mapasasaiyo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-14-21-23-28-39-41.
CANCER (June 21-July 22) - Magbabalik ang mga araw na maganda ang takbo ng iyong buhay. Huwag mong sasayangin ang mga biyaya dahil lang sa iyong sobrang tuwa. Masuwerteng kulay-lilac. Tips sa lotto-18-22-25-27-32-34.
LEO (July 23-Aug. 22) - Hindi ka manghihinayang sa magagandang bagay na gagawin mo sa iyong kapwa dahil nakamasid sa iyo ang mga mata ng langit na handang bigyan ka ng sobra-sobrang biyaya. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-15-20-21-25-28-30.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Nagmamadali ang ilang suwerte na dumapo sa iyo dahil gusto rin ito ng maraming tao. Pero ang utos ng langit ay ikaw ang hanapin at bigyan ng mas maraming suwerte at kasiyahan na higit sa iyong naranasan. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-19-25-29-30-31-38.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Ito ang araw na kahit ano at sino ka, hindi na magbabago ang pasya ng langit na ang anumang kahilingan mo, kahit ito ay medyo imposibleng mangyari ay pagbibigyan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-16-22-24-27-39-41.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Sobrang maliliit ang puwang para masingitan ka ng iyong mga karibal, habang maluwang na maluwang naman ang pintuan para sila ay maiwanan mo nang milya-milya. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-11-19-20-28-30-32.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Nasa iyo pa ang pagkakataong umabante nang todo. Kaya ituloy mo lang ang hangarin mong mapaganda pa ang iyong buhay dahil hindi ka mabibigo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-12-20-23-27-30-31.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Mapapahiya ang nag-aakala na dahil tahimik ka at mukhang mahiyain ay kulang ang lakas ng loob mo para gawin ang iyong gusto. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-3-19-29-36-38-40.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Magsabi ka at makukuha mo ang gusto mo. Ang totoo nga, kahit pa humiling ka nang humiling, hindi ka mabibigo dahil ang isa pang totoo, bawal sa iyo ang malungkot. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-6-11-18-28-35-37.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Alamin mo kung ano ang kaya mo at huwag kang lalagpas sa iyong kakayahan. Sa ganito ka magsimula at makakaasa ka na langit mismo ang magdadagdag ng anumang kakulangan mo hanggang ikaw ay mapuno ng kasayahan at kasaganaan. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-17-22-29-32-36-42.




header.all-comments