Horoscope | August 15, 2021 (Linggo)
- BULGAR
- Aug 15, 2021
- 2 min read
ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| August 15, 2021
Sa may kaarawan ngayong Agosto 15, 2021 (Linggo): Patuloy na gaganda ang kapalaran mo kahit may ilang pagkakataon na hindi gumagana ang iyong mga suwerte. Ito ay ginagarantiyahan ng araw ng iyong pagsilang.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Bumalik ang lakas ng iyong karisma at puwede mo itong pakinabangan sa pagpapalago ng kabuhayan. Huwag mong sayangin ang pagkakataon. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-7-10-23-28-35-43.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Mapapahamak ang hindi makikinig sa iyo, pero ang mga susunod sa iyong mga sasabihin, malalaking grasya ang magdaratingan sa kanila. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-11-17-24-39-41-45.
GEMINI (May 21-June 20) - Huwag mo nang pagbigyan ang paulit-ulit na nagkamali sa iyo. Dahil kapag ganyan, patuloy kang aabusuhin ng kapalaran. Hayaan mong madala at ‘wag nang pagbigyan ang mga taong nang-aabuso sa iyo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-7-15-25-39-41-36.
CANCER (June 21-July 22) - Huwag mong ikalungkot ang paglayo sa iyo ng isang tao dahil mismong langit ang nagpasya na magkahiwalay kayo at ito ay para sa ikabubuti mo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-14-17-29-30-36-41.
LEO (July 23-Aug. 22) - Ibahagi mo sa iba ang ilang mga suwerte na alam mong sobra na para sa iyo. Sa ganitong paraan, lalo kang hahangaan ng langit kaya lalo kang pagpapalain. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-12-18-26-28-30-35.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Kailangan ng lupa ang ulan. Ikaw din, kailangan mo ang magbibigay sa iyo ng sigla kung kailan mananariwa ang iyong paghahangad na umangat nang umangat ang buhay mo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-19-24-26-40-41-44.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Kahit gaano kaiksi ang ulan, ito pa rin ay nagbibigay-ginhawa sa mga pananim. Tumulong ka sa abot lamang ng iyong makakaya. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-aquamarine. Tips sa lotto-16-21-24-26-34-36.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Kumilos ka kahit nalulungkot ka. Kumilos ka kahit masaya na ang buhay mo. Sa pagkilos, ang tao ay nilalayuan ng karamdaman. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-7-11-14-25-34-40.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Hangaan mo ang tapat at layuan mo ang may itinatagong motibo. Hindi puwede na ngayon ay magkakamali ka dahil lang nawala ang kakaibang talas ng iyong pakiramdam. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-3-15-17-26-33-36.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Sasaya ka kapag sinakyan mo ang magagandang trato sa iyo ng bagong kakilala. Dito sa mundo, hindi masama ang sumaya at lalong hindi masama ang masayahing kasama. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-18-20-24-35-39-42.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Malungkot ang mag-isa, kaya sa buhay mo, palagi namang higit sa isa ang napasasaiyo. Dahil dito, tanggapin mo ang katotohanang ito at dapat din itong tanggapin nang maluwag sa puso. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-5-19-25-28-34-45.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Hindi tama na dahil lang sa inis mo ay masira ang iyong diskarte. Mainis ka, pero ipagpatuloy mo ang mga matagal mo nang plano. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran sa araw na ito. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-19-24-28-35-39-40.







Comments