top of page
WINNER - BEAUTY QUEEN GF NI SANTINO, NAPAGKAMALANG TRANSGENDER-IG _ashleysubijano.jpg

Horoscope | August 14, 2024 (Miyerkules)

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 14, 2024
  • 2 min read

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | August 14, 2024



Horoscope

Sa may kaarawan ngayong Agosto 14, 2024 (Miyerkules): Mahirap ka ngayong kalabanin. Kahit na sa biglang tingin ay nanalo sila, ‘di pa rin nila ito mararamdaman. Ito ang kahulugan ng araw ng iyong pagsilang.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Nagbabalita ang araw na ito na dahan-dahang aatras ang hindi magagandang kapalaran na paparating sa buhay mo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-16-20-26-30-33-35.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Kapag nakaisip ka ng maganda, gawin mo agad. Hindi puwede na masingitan ka ng pag-aalinlangan, dahil ang pag-aalinlangan ang maaaring maging sanhi ng panghihinayang mo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-11-15-21-24-28-30.


GEMINI (May 21-June 20) - Hawak mo ngayon ang iyong kapalaran. Kung magpasya ka na gawin ang isang bagay para sa iyong pag-unlad, makakaasa ka na uunlad ang iyong buhay. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-9-12-29-31-35-42.


CANCER (June 21-July 22) - Hindi lang isa ang handang magbigay sa iyo. Piliin mo ang may malinis na kalooban upang ‘di ka magsisi. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-7-14-23-37-40-45.


LEO (July 23-Aug. 22) - Puwedeng maging dalawa ang isa. Ito ang katotohanan dito sa ibabaw ng mundo, lalo na sa buhay mo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-10-11-18-21-24-33.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Mapapasaiyo ang anumang gusto mo. Isa lang naman ang kailangang makita ng langit — ikaw ay talagang desidido. ‘Yun lang at tiyak na tiyak na ibibigay sa iyo ang gusto mo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-19-29-32-37-40-44.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Nagbababala ang araw na ito at ang mga araw na darating na puwedeng mabago ang takbo ng pag-ibig mo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-6-16-20-27-37-42.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Kikilos ang kapalaran mo para maging matatag ang iyong kabuhayan. Ang mga nararanasan mong hirap ay panandalian lang at hindi rin ito magtatagal. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-15-18-21-25-39-42.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Lalago pa ang kinikita mo kapag patuloy kang nakipagsapalaran. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-8-12-22-27-31-39.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Huwag kang magtaka kapag nakaranas ka ng balakid sa mga plano mo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-8-21-24-27-30-33.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Nakakatuwa ang mga nasa paligid mo. Inaakala nila na ang buhay ay parang laro lang sa iyo. Ang hindi nila alam, sa kabilang ng saya ay naroon ang malalim na lungkot mo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-4-15-25-30-34-41.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Kapag binilisan mo pa ang pagkilos mo, maiiwanan mo nang milya-milya ang mga karibal at kakumpitensiya mo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-18-20-28-31-38-45.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page