top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Horoscope | August 14, 2022 (Linggo)

BULGAR
Aug 14, 2022
2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| Agosto 14, 2022


Sa may kaarawan ngayong Agosto 14, 2022 (Linggo): Nasa iyo ang kakayahang mabilis na yumaman. Ito ay mangyayari sa simpleng paraan na tutukan mo ang pagkita ng maraming pera.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Huwag kang babagal-bagal dahil sa araw na ito, ang mabibilis ay susuwertehin higit kaninuman. Muli, ‘wag kang babagal-bagal. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-11-19-20-23-38-40.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Nakakatuwa ang iyong kapalaran dahil may hatid na suwerte sa iyo ang isang sobrang makuwento na parang ang gusto niya na ikaw ay tagapakinig lamang. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-9-12-25-30-32-38.

GEMINI (May 21-June 20) - Hawakan mo nang mahigpit ang matatanggap mong pagpapala ngayon dahil ito ay magiging malaking punong-kahoy at ang malalapit sa buhay mo ay puwedeng sumilong. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-18-22-27-35-39-41.

CANCER (June 21-July 22) - Huwag mong hayaan na makalagpas sa iyo ang magandang kapalaran kung saan magkakaroon ka rin ng masarap na buhay. Lakas lang ng loob ang iyong kailangan. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-14-23-24-35-36-39.

LEO (July 23-Aug. 22) - Daig ng maagap ang masipag. Magkakatotoo ito sa buhay mo ngayon. Pero saan ka, sa masipag o maagap? Piliin mo ang una nang malubos ang iyong tagumpay at kaligayahan. Masuwerteng kulay-orange. Tips sa lotto-20-24-29-30-31-37.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Kahit kailan, hindi maganda ang mapag-alinlangan. Hindi ba’t nangyari na ito sa iyo noon? Hindi ka na dapat mag-alinlangan sa mga oportunidad na nasa iyong harapan ngayon. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-2-11-16-29-32-33.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Pinagtawanan ng pagong ang unggoy dahil mas napabuti ang kanyang kalagayan. Nakatakdang pagtawanan mo rin ang mga kalaban mo dahil mas susuwertehin ka kaysa sa kanila. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-16-21-29-33-38-42.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Nagiging uod muna ang paro-paro bago ito nakalipad. Huwag kang mag-alala kapag nasa ibaba ka dahil sa huli, aangat ka rin at magkakaroon ng masarap na buhay. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-11-15-17-25-27-40.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Kahit gaano kakapal ang mga ulap, hindi niya kayang takpan ang sikat ng Haring Araw. Kahit gaano kalakas ang iyong mga kaaway, ikaw pa rin ang magtatagumpay. Hindi na ito mababago dahil ito ang atas ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-3-6-14-15-24-26.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Nakakatuwa ang iyong kapalaran dahil totoong marami ang makakalagpas na magagandang bagay sa iyo. Pero totoo rin na magbabalikan ang mga ito nang mas marami, siksik, liglig at umaapaw. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-19-21-25-26-38-41.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Kikilos ka na parang ikaw ay sobrang masaya. Dahil dito, talagang sasaya ka. Ang mga suwerte ay maglulundagan sa iyo mula sa mga makakapansin sa kakaibang saya mo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-16-20-22-25-30-33.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Hindi puwedeng nasa loob ka lang ng bahay. Mas maganda na mamasyal ka. Sa ganitong paraan, mananariwa ang iyong kapalaran at ang lahat ay gaganda para sa iyo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-1-16-20-36-31-39.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page