top of page

Horoscope | August 13, 2021 (Biyernes)

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 13, 2021
  • 2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| August 13, 2021



Sa may kaarawan ngayong Agosto 13, 2021 (Biyernes): Huwag kang magpapatangay sa iyong emosyon. Pag-aralan mo munang mabuti ang bawat ikikilos mo. Ang sumusunod sa damdamin ay sobrang nasasaktan.



ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Magtanong ka kapag mayroon kang hindi alam. Sa pagtatanong, nadaragdagan ang kaalaman, habang ang hindi nagtatanong ay napapahamak. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-3-18-20-28-39-41.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Hindi masamang umatras dahil ang masama ay ang sumugod nang hindi nakahanda. Magpalakas ka muna at kapag malakas ka na, saka mo tahakin ang landas ng iyong mga pangarap. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-15-21-29-34-37-40.


GEMINI (May 21-June 20) - Pahalagahan mo ang magandang pagsasamahan ng magkakaibigan. Makibahagi ka sa mga aktibidad at matutuklasan mo ang katotohanan na ang mga kaibigan ay higit sa pamilya. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-3-10-15-19-24-26.


CANCER (June 21-July 22) - Kunin mo ang aral sa buhay mula sa karanasan ng isang kakilala. Magagamit mo ito kapag ikaw naman ang naharap sa parehong sitwasyon. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-9-14-23-38-39-42.


LEO (July 23-Aug. 22) - Ituloy mo lang ang gusto mong gawin. Ang kabiguan ay pansamantala lamang sa desididong magtagumpay. Makukuha mo rin ang medalya ng pananalo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-13-27-28-31-37-41.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Pahinga na ang ibig sabihin, kahit tuloy ang ginagawa, naglilibang at nagsasaya rin. Sa ganitong paraan, mabilis kang madaragdagan ng sigla. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-16-20-23-26-36-42.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Hindi mo kailangan ang iba para lang gumanda ang iyong kapalaran. Pero kung may nag-aalok ng tulong, tanggapin at pasalamatan mo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-15-25-27-34-35-37.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Pinaghahandaan ang kinabukasan. Hindi puwede ang sinasabing “Bahala na bukas.” Kumilos ka para magkaroon ka ng matatag at maunlad na hinaharap. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-12-28-31-32-35-42.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Magbawas ka ng pasanin nang gumaan ang iyong buhay. Ang una mong bawasan ay ang mga pabigat lamang, walang pag-asa at ayaw magsikap para maayos ang kanilang kapalaran. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-9-13-16-25-30-33.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Bawat tanong ay may sagot. Pero sa ngayon, ang payo ay huwag kang sagot nang sagot kahit ikaw ay nasa tama. Ito ang payo sa sitwasyon na damdamin ang pinaiiral ng kausap. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-7-10-15-16-26-32.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Huwag mong biguin ang lumalapit sa iyo. Ikaw ang nilapitan dahil alam niyang hindi siya mapapahiya. Tumulong ka sa abot ng iyong makakaya. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-14-19-20-25-26-35.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Harapin mo ang iyong kalaban dahil siya ay mas mahina kaysa sa iyo. Sa biglang tingin lang naman siya malakas, pero alam niyang siya ay matatalo mo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-7-16-18-27-32-41.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page