Horoscope | August 12, 2021 (Huwebes)
- BULGAR
- Aug 12, 2021
- 2 min read
ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| August 12, 2021
Sa may kaarawan ngayong Agosto 12, 2021 (Huwebes): Maraming bagay kang dapat ipagpasalamat sa langit dahil higit sa mga pangkaraniwan, kakaiba ang maraming suwerte na dumarating sa iyong buhay.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Muli, ipinapaalala sa iyo na kapag masaya ka, susuwertehin ka. Lumayo ka sa mga taong malungkutin at dumikit ka sa masayahin. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-9-18-20-23-38-41.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Kakaibang sigla ang iyong madarama kahit nagkataong marami kang problema. Ito ay isang malinaw na senyales na may mga suwerteng darating sa buhay mo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-3-10-11-14-28-30.
GEMINI (May 21-June 20) - Maglalapitan sa iyo ang mga taong magsisilbing pampasuwerte mo. Maglalayuan naman sa iyo ang mga may hindi magandang motibo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-12-25-28-35-36-42.
CANCER (June 21-July 22) - Hihigitan pero hindi uubra dahil ang pagiging malaya ay hindi mo ipagpapalit sa anumang materyal na bagay kahit ang mga ito ay kailangan mo rin naman. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-15-17-18-21-27-34.
LEO (July 23-Aug. 22) - Hindi ka pinipigilang humanga nang husto. Ngunit ang bawal ngayon ay ang mahulog ang loob mo sa iyong hinahangaan dahil lihim niyang mahahatak ang ilang mga suwerte mo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-9-16-23-29-31-38.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Huwag kang mainip. Minsan, may katagalan ang pagsasaayos ng kapalaran na ginagawa ng langit. Muli, huwag kang mainip. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-6-16-22-25-39-41.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Pakinggan mo ang iyong sarili. Babalikan mo ang mga nakaraan kung kailan iba ang iyong pinakinggan at lalo kang nasaktan. Muli, pakinggan mo ang iyong sarili. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-9-10-19-21-23-38.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Matalas ngayon ang iyong isipan. Tiyak na makukuha mo ang mga paraan para mas kumita ka sa kabila ng napakahirap kumita sa panahon ngayon. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-8-12-14-18-24-40.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Huwag mong kalimutan na minsan, hindi maganda ang paramihan ng bilang dahil ang tunay na importante ay ang kalidad. Ito ang gawin mong batayan sa negosyo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-18-20-21-27-33-35.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Gawin mo ang subok na, kumbaga, huwag nang mag-eksperimento pa. Sa paraang subok na, malabong mabigo at malugi ka. Tiyak pang ikaw ay makikinabang. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-17-21-25-28-39-40.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Huwag kang magmadali dahil sa pagiging maingat, hindi ka mabibigo. Pero sa mabibilis na pagkilos na idinaan lang sa palakasan ng loob, malulugi ka nang malaki. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-6-10-19-24-33-37.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Nakatutuwa ang mangyayari sa iyo ngayon dahil ang magyayabang sa harapan mo ay mapapahiya sa kanyang sarili. Habang ang kanyang ipinagyayabang ay mapupunta naman sa iyo. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-10-14-15-24-38-42.







Comments