Horoscope | August 11, 2022 (Huwebes)
- BULGAR
- Aug 11, 2022
- 2 min read
ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| Agosto 11, 2022
Sa may kaarawan ngayong Agosto 11, 2022 (Huwebes): Gawin mo ang gusto mo. Huwag kang mag-aalinlangan dahil kahit kailan, ito ang sikreto ng iyong kapalaran na dapat mong malaman.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Kailangan mong mahirapan dahil may babala na lalabis ang tiwala mo sa iyong sarili kung madali mong makukuha ang bawat gusto mo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-16-19-23-28-33-39.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Hindi mo kailangan ang alalay. Hindi ka dapat masanay na palaging may umaagapay sa iyo. Mas maganda ang malaya at nagagawa ang gustong gawin nang mag-isa lang. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-18-20-21-24-26-34.
GEMINI (May 21-June 20) - Bakit inaakala mong mas malakas ang iyong mga karibal? Ang totoo, sa biglang tingin lang sila malakas. Isa pa, kapos sila sa talino. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-silver. Tips sa lotto-18-24-26-35-38-40.
CANCER (June 21-July 22) - Nakalimutan mo ba na ang takot ay nasa isip lang? Gawin mo ang gusto mo at mauulit na madaling mapasaiyo ang pinapangarap mo. Ibig sabihin, ‘wag kang matakot, sugod lang nang sugod. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-14-15-24-31-32-36.
LEO (July 23-Aug. 22) - Malamig ang panahon, pero hindi ka dapat manlamig sa pagsisikap mong matulungan ang mga umaasa sa iyo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-16-20-22-25-27-40.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Kumuha ka ng ideya sa mga nauna sa iyo. Hindi ka puwedeng magmalaki na alam mo na ang lahat. Dahil kahit alam mo na, wala ka pa ring sapat na karanasan. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-17-21-28-30-39-42.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Huwag kang magtago sa masasayang aktibidad. Ang mga problema ay hindi iniiwasan. Harapin mo ang mga ito at makakaasa ka na ito ay malulutas. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-14-18-21-23-38-41.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Kung ano ang kailangan, ‘yun lang ang iyong pag-ukulan. Hindi ka dapat matuksong maghangad sa mga bagay na hindi mo pakikinabangan ngayon. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-15-24-25-39-40-42.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Kung saan ka nadadalian, ‘yun muna ang iyong unahin. Ang mahihirap na gawain ay puwede mo pang ipagpaliban. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-6-9-17-18-20-35.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Pinaghahandaan ang hinaharap at hindi hinihintay. Nagsasakripisyo sa kasalukuyan at nagsisikap para sa magandang bukas. Huwag mo itong kalimutan, bagkus, ito ay iyong isabuhay. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-18-20-22-24-27-39.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Kahit wala kang gawin, ngayon magsisimulang maglayasan ang hindi magagandang kapalaran dahil ang mga ito ay hindi para sa iyo. Ipanatag mo ang iyong kalooban at ang kasunod nito ay mga suwerte. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-13-14-25-27-30-31.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Huwag mong habulin ang umalis dahil sa totoo lang, kusa itong babalik. Tandaan, anuman ang mangyari, ang para sa iyo ay makukuha mo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-17-28-25-27-30-34.




Comments