top of page

Horoscope | August 11, 2021 (Miyerkules)

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 11, 2021
  • 2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| August 11, 2021



Sa may kaarawan ngayong Agosto 11, 2021 (Miyerkules): Nasisiyahan ang nanonood, pero ang tunay na kaligayahan ay nasa pakikipaglaban. Ituloy mo ang pakikipaglaban at ginagarantiyahan ng langit na ikaw ay tiyak na magwawagi.



ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Harapin mo ang hamon ng iyong kapalaran. Sa ganitong paraan, tunay kang sasaya at makatatanggap ng napakaraming suwerte. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-18-22-24-31-39-40.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Maging huwaran ka sa tapang dahil ngayon, may ilang mahahalagang tao sa iyong tabi na ang kailangan ay ang mapagkukunan ng lakas ng loob. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-4-11-19-21-27-34.


GEMINI (May 21-June 20) - Nagsisisi at muling nagbabalik ang naligaw ng landas. Ito ang sasabihin mo pagkatapos bumalik sa buhay mo ang nawala sa iyo. Huwag kang maging emosyonal dahil lang sa ginagawa sa iyo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-3-11-15-23-35-41.


CANCER (June 21-July 22) - Kumuha ka ng lakas sa kilala mong matagumpay sa larangang kanyang napili. Hindi ka mabibigo at sa huli ay sasabihin mo na ang tao pala ay kulang lang sa inspirasyon. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-19-27-30-35-38-45.


LEO (July 23-Aug. 22) - Magbawas ka ng tiwala sa sarili. Minsan, ang sobrang tiwala sa sarili ay nauuwi sa pagsisisi at panghihinayang. Muli, bawasan mo ang tiwala sa iyong sarili. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-7-18-20-22-25-32.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Ngayon ang pagkakataong ibinigay sa iyo ng langit para siguraduhin mo ang iyong mga pangarap. Huwag mong palagpasin ang pagkakataong ito dahil bihirang dumating sa buhay ang ganitong bagay. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-5-16-29-31-36-45.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Hindi naman kumukupas ang galing at husay mo. Kaya lang, ngayon ay may pagkukulang sa kilos mo na nagsasabing tinatalo ka ng pagkabagot. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-15-16-20-21-27-37.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Hugutin mo ang matagal mo nang hindi ginagamit sa tapang at lakas ng loob, pero ang payo ay sa pagpapayaman mo ito dapat gamitin at hindi sa iba pang larangan ng buhay. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-11-12-23-33-35-44.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Huwag mong maliitin ang hindi nakuha ang gusto. Ikaw din ay nakaranas ng ganu’ng bagay, pero dahil hindi ka huminto, sa huli ay napasaiyo rin ang pinangarap mo. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-17-20-21-26-39-42.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Gawan mo ng mabuti ang tumulong sa iyo, pasayahin mo siya sa kahit munting paraan. Mahalaga sa tao ang marunong magpasalamat. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-19-22-24-38-40-46.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Mamahinga ka at kapag ikaw ay nakapagpahinga, magugulat ka dahil ang magagandang kapalaran na noon mo pa gusto ay magdaratingan na sa buhay mo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-4-11-18-21-27-33.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Minsan ay mapagbiro ang kapalaran. Aakalain mong ikaw ay bigong-bigo na at habang nararanasan mo ang lungkot, ang katuparan ng mga pangarap mo ay matatanaw mo na. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-14-15-29-30-37-46.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page