top of page

Horoscope | August 10, 2021 (Martes)

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 10, 2021
  • 2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| August 10, 2021



Sa may kaarawan ngayong Agosto 10, 2021 (Martes): Tulad ng Haring Araw, ikaw ay sumikat, nagbibigay-liwanag, init at lakas. Ito ang kontribusyon mo sa maraming tao at ito rin ang papel mo sa mundo.



ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Magsaya ka at kalimutan ang mga problema. Kumikilos ang langit at inaalis ang mga hadlang sa landas ng buhay na iyong tinatahak upang lalo pang gumanda ang buhay mo. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-4-10-28-30-35-45.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Ikaw ang batong hindi natitinag. Ang totoo nga, takot ang mga lihim at lantad mong kaaway na banggain ka dahil alam nilang hindi ka matitinag, lalo na ngayon. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-3-14-23-28-39-42.


GEMINI (May 21-June 20) - Nakikipagpalaro ang hangin sa mga dahon at sanga ng punong-kahoy. Isa itong larawan ng masayang mundo. Kung gusto mong sumaya, ikonsidera mo na ang buhay ay isang laro lamang. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-5-16-27-31-33-37.


CANCER (June 21-July 22) - Lahat ng ilog ay sa dagat ang buhos. Huwag kang mag-alala, lahat ng iyong pagkilos ay mauuwi sa katuparan ng iyong mga ambisyon. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-11-14-16-27-33-41.


LEO (July 23-Aug. 22) - Katamtamang init ang kailangan ng tao dahil ang sobrang init ay hindi makabubuti. Kontrolin mo ang iyong nag-aapoy na sigasig. Muli, hindi maganda ang sobrang init ng ningas ng apoy. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-6-8-15-28-31-34.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Hayaan mo na kusang gumalaw ang mga pangyayari. Wala kang dapat ikabahala dahil kusa rin namang inaayos ng langit ang hindi magagandang nagaganap sa mundo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-17-20-25-38-44-46.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Biglaan ang magiging pasya mo. Ang nakagugulat ay tama at makabubuti sa iyo ang biglaang pagpapasya. Ang totoo, ‘pag matagal na pinag-aralan ang desisyon, magkakamali ka lang. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-4-19-21-23-30-32.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Makagaganda para sa iyo ang may nakakakuwentuhan. Sa pakikipagkuwentuhan, nadaragdagan ang kaalaman at hindi nahuhuli sa bagong balita. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-4-10-18-22-24-35.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Huwag kang mabibigla, kailangan mo sa buhay ang mga kontrabida. Mas malakas ang pagkontra, mas maganda dahil nailalagay mo ang iyong totoong galing at husay. Masuwerteng kulay-burgundy. Tips sa lotto-7-12-17-25-27-38.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Minsan maganda ang mabagal na tulad mo. Dahil ang mabilis at palaging nauuna, kadalasan ay una ring nabibiktima ng mga nag-aabang na mapagsamantala sa kapwa. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-3-11-16-22-26-43.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Akala ng kakausap sa iyo, iniintindi mo siya. Ang hindi niya alam ay bihira kang magseryoso. Akala ng iba, kaya ka nilang bigyan ng lungkot, pero ang hindi nila alam, mabilis kang sumaya. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-5-12-24-27-35-41.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Mabilis kang gagaling kung lalabas at mamasyal ka. Magtatagal ang karamdaman kapag palagi kang nasa bahay lamang. Ikonsidera mo ang katotohanang ito tungkol sa buhay mo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-7-10-14-18-20-23.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page