top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Horoscope | August 1, 2022 (Lunes)

BULGAR
Aug 1, 2022
2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| Agosto 1, 2022


Sa may kaarawan ngayong Agosto 1, 2022 (Lunes): Araw at gabi ay nakasikat ang Haring Araw sa kapalaran mo. Ibig sabihin, hindi ka iiwan ng mga suwerte mo, anuman ang mangyari sa iyong buhay.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Hindi ka dapat maapektuhan ng lungkot dahil may mabibigat na suliranin ang isang malapit sa iyo. Mas maganda na siya ang mahawa sa iyo ng saya. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-15-20-21-24-26-30.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Lumayo ka sa mga taong paladaing. Iisa lang ang kanilang kauuwian at ito ay hindi sila hihiwalayan ng mga pangit na kapalaran. Kaya lumayo ka sa kanila dahil baka madamay ka pa. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-2-18-19-23-32-33.

GEMINI (May 21-June 20) - Bumibilis ang kilos kapag ang tao ay sinusuwerte at may kakaibang sigla. Ito mismo ang mangyayari sa iyo dahil bubuwenasin ka ngayon. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-12-26-29-31-38-41.

CANCER (June 21-July 22) - Kahit masipag ang tao, wala pa rin siyang pag-unlad kung ang sipag niya ay wala sa lugar. Tukuyin mo kung saan ka magaling at du’n mo gamitin ang iyong kasipagan. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-1-15-16-25-38-40.


LEO (July 23-Aug. 22) - Ganito ang sabi, sa gilid ng madilim na ulap, mayroong liwanag. Ibig sabihin, panatilihin mong buhay ang ningas ng iyong pag-asa kahit ngayon ay may pinagdaraanan ka. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-13-18-22-27-30-35.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Hindi ka hihiwalayan ng mga suwerte kahit sobra kang mapag-alinlangan. Noon pa nagpasya ang langit na kahit ano ka pa, papakitaan ka ng pagmamahal ng nasa itaas. Gayundin, ito ang araw na magbubukas ang bintana ng langit upang hulugan ka ng maraming suwerte. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-6-11-13-20-21-24.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Madalas nakakalimot ang kaibigan, pero hindi ibig sabihin ay hindi na niya pinahahalagahan ang iyong mga kabaitan. Mas maganda na habaan mo ang iyong pang-unawa at pasensya. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-19-22-29-30-35-38.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Nababasag ang itlog kapag lumalabas na ang sisiw. Mali ang akala mo na dahil nabasag ang isang bagay ay may kamalasang darating. Ang totoo, ikaw ay bubuwenasin nang sobra sa susunod na mga araw. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-9-10-17-22-23-39.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Hindi paramihan ng bilang ng mga kaibigan ang buhay. Ang totoo, mas kaunti ang mga kaibigan, mas madaling umaasenso ang buhay. Mas maganda kung mamimili ka ng mga pagkakatiwalaan mo. Masuwerteng kulay-old rose. Tips sa lotto-16-22-28-30-31-32.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Kinuha ang babae sa tadyang ng lalaki para siya ay yakapin, ibig sabihin siya ay mahalin. Hindi ka dapat magdusa at masaktan sa maling pakikipagrelasyon. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-12-22-25-26-30-41.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Matamis ang bunga na hinihintay muna na mahinog sa sanga. Huwag kang mainip, isabuhay mo ang sinasabing, ang mapaghintay ay may magkakaroon ng mas marami at magagandang kapalaran. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-15-18-21-28-33-40.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Isinasauli ang hiniram. Kaya ang anumang hiniram ay hindi panghabambuhay. Huwag kang manghiram ng ligaya kung ayaw mo na sa huli ay sobra kang masaktan. Ito ang payo ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-11-17-24-30-35-42.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page