Horoscope | August 09, 2021 (Lunes)
- BULGAR
- Aug 9, 2021
- 2 min read
ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| August 09, 2021
Sa may kaarawan ngayong Agosto 9, 2021 (Lunes): Yayaman ka, magkakaroon ka ng malalawak na lupain at ang kasaganaan ay mapasasaiyo. Ito ang kahulugan ng araw ng iyong pagsilang.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Muling dumating ang mga araw at ito ay magsisimula ngayon kung kailan mabilis mong maisasagawa ang mga plano mo na may kinalaman sa pagpapalago ng kabuhayan. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-8-19-21-27-33-34.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Kikita ka ng marami at malalaki. Gayundin, kikita ka ng maliit pero ito ay lalaki rin. Ang mga araw na ito ay para sa pagpapalaki, kaya ang lahat ng nasa iyo ay lalaki pa. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-6-17-29-30-33-38.
GEMINI (May 21-June 20) - Magdahan-dahan ka nang sa gayun ay mapili mo ang pinakamagandang pagkakakitaan. Ang pagiging mabilis ay nagdadala sa tao ng kawalan ng pagkakataong makapili ng pinakamaganda. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-11-14-21-23-30-45.
CANCER (June 21-July 22) - Nakatutuwa ang kapalaran mo ngayon dahil ang iyong kinainisan ay mapapalapit sa puso mo. At ang iyong kinagigiliwan, mapapalayo ang loob mo sa kanya. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-12-18-20-21-29-41.
LEO (July 23-Aug. 22) - Malalaking suwerte at magagandang kapalaran ang nakalaan sa iyo. Puwede mo itong tanggapin at hindi pansinin, ngunit ang nasabing mga suwerte ay mamamalaging nakalaan sa iyo at naghihintay na kunin mo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-3-10-19-24-25-39.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Tulungan mo kahit medyo labag sa loob mo ang lalapit sa iyo. Mas magandang makasunod ka sa banal na utos na mahalin ang kaaway. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-8-13-16-29-31-44.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Napakalakas ng kapangyarihan mo sa paghawak. Ang mahawakan mo, kahit anumang parte ng katawan ay mapapasunod mo kung saan siya ay maaalipin mo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-19-20-28-30-31-37.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Aakalain ng iba na mahirap kang pakitunguhan. Sa biglang tingin, ito ay parang totoo, pero ang natatagong katotohanan ay napakasarap mong magmahal. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-9-12-29-30-31-35.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Kumapit ka sa magagandang katangian mo. Hindi ka dapat magpatalo sa mga negatibong pananaw na naglalabas-pasok sa isipan mo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-8-11-18-22-25-34.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Kung ano ang malaki, ‘yun ang para sa iyo. Ito ang gawin mong gabay sa lahat ng aspeto ng iyong buhay. Ito rin ang susi upang magkaroon ng katuparan ang iyong pangarap. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-7-10-13-27-34-40.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Mabilis na parang hinipan ng malakas na hangin at mawawala sa harapan mo ang mga taong nagbibigay sa iyo ng dusa at kalungkutan. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-22-28-30-31-38-46.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Kung ano ang gusto mo, ‘yun ang mapasasaiyo. Malabong mabigo ka, maliban na lang kung bigla mong binago ang iyong gusto. Ang pagpapalit ng pasya ay hindi makagaganda sa iyo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-6-7-21-29-35-43.







Comments