top of page

Horoscope | August 08, 2021 (Linggo)

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 8, 2021
  • 2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| August 08, 2021



Sa may kaarawan ngayong Agosto 8, 2021 (Linggo): Matampuhin ka at maging sa langit ay nagtatampo ka. Maunawain ang huli kaya kahit may kahinaan ka, huhulugan ka pa rin ng mga suwerte.



ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Puwede mo nang anihin ang mga bunga ng iyong pagsisikap, pero inirerekomenda na maghintay ka pa ng ilang panahon nang sa gayun ay matatamis ang mga biyayang mapasasaiyo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-9-11-18-20-22-38.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Nasa sa tabi mo lang ang iyong mga suwerte ngayon. Baka hindi mo makuha ang mga ito kapag sa malayo ka pumunta. Ibig sabihin, bago ka lumayo, tumingin ka muna sa paligid. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-1-12-25-31-33-38.


GEMINI (May 21-June 20) - Kahit ikaw ay ayaw mo ng makupad. Kaya kapag napansin mong mabagal ka, pagsabihan mo ang iyong sarili na ang mga suwerte mo ay nasa pagiging mabilis. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-3-13-14-26-34-42.


CANCER (June 21-July 22) - Napakalakas ng iyong pandama sa araw na ito. Huwag mo itong gamitin sa paghahanap ng pagkukulang ng mga tao, sa halip, gamitin mo sa pagsagap kung ano ang mananalo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-11-14-19-20-25-38.


LEO (July 23-Aug. 22) - Lumayo ka sa mga taong hihilain ka sa mga negatibong pananaw. Magaganda ang kanilang paliwanag, kaya marami rin silang kakampi. Pero ikaw, muli, lumayo ka sa kanila. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-18-28-30-33-38-41.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Huwag kang makuntento at maniwala na ang tao ay dapat makuntento. Simple ang ilagay mo sa iyong isipan na ang bukas ay walang katiyakan.

Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-10-23-28-30-33-39.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Nagbalik ang nawala, kumbaga, muli mong nakita. Ganu’n ang Haring Araw, muling nagbibigay ng liwanag. Magsisimula na naman ngayon ang iyong magagandang kapalaran. Masuwerteng kulay-burgundy. Tips sa lotto-14-15-18-33-40-45.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Mapanlinlang ang mandaraya, habang nadadaya naman ang mabilis maniwala. Kaya ang makabubuti para sa iyo ay pag-aralan ang mga panukalang inilalatag sa harapan mo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-4-15-16-28-31-32.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Magtanong ka. Bakit ka mahihiyang magtanong? Sa katatanong, yumaman ang kaalaman ng mga kulang sa kaalaman. Sa pagtatanong din yumaman ang mga taong napakayaman na ngayon. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-22-25-27-30-37-41.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Mahirap paniwalaan dahil hindi na uso ngayon. Pero kailangan mong malaman na ang susi para ikaw ay yumaman nang husto ay ang mga makalumang pinaniwalaan tulad ng pagtitipid at pagsisinop ng kabuhayan. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-17-20-25-27-31-34.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Kahit nag-aalinlangan ka at mahirap itong gawin, piliin mo ang masikip at matinik na landas ng buhay. Kapag sinimulan mo nang maglakad, ito pala ang daan ng kaginhawaan. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-11-13-17-21-30-42.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Marhirap arukin ang sobrang malalim. Binabalaan ka na kapag pinilit mong alamin ang malalim na pagkatao ng isang nasa harapan mo, mabibihag at magiging alipin ka niya. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-19-21-28-30-31-38.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page