Horoscope | Agosto 8, 2023 (Martes)
- BULGAR
- Aug 8, 2023
- 2 min read
ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | August 8, 2023
Sa may kaarawan ngayong Agosto 8, 2023 (Martes): Ipanatag mo ang iyong kalooban, kahit gaano man kalaki ang iyong problema malalagpasan mo pa rin ito.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Tatag ng kalooban ang pinakamalakas mong sandata. Ituloy mo kung ano ang ambisyon mo, huwag kang kukurap, panatilihin mong nakatutok ka. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-19-20-24-39-35-42.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Banga o anumang bagay na gawa sa pinatigas na putik ang iyong pinakamabisang pampasuwerte. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-7-10-13-15-26-33.
GEMINI (May 21-June 20) - Kuwintas o personal na pampaganda na nakabitin sa leeg ang iyong pampabuwenas. Ilabas mo ang nakatagong alahas mo upang ang iyong mga kahilingan ay mapasaiyo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-16-27-29-36-42-44.
CANCER (June 21-July 22) - Maaaring hindi ka maniwala pero kailangan mong malaman na ‘pag hinayaan mong pumatak ang mga luha o pawis mo sa iyong pisngi, ang mga suwerte ay mabilis na mapapasaiyo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-9-11-18-21-23-33.
LEO (July 23-Aug. 22) - Sikat ng haring araw ang iyong pampabuwenas. Malalaking suwerte ang mapapasaiyo ngayong araw. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-19-22-24-26-35-38.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Lumang gamit ang iyong pampabuwenas, gamitin mo ito dahil ang mga bago at usong kagamitan ay mapapasaiyo. Ito ang mensahe para sa iyo sa araw na ito. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-14-16-20-22-23-35.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Bagong damit ang iyong pampasuwerte. Kahit na medyo malayo pa ang birthday mo, bumili ka ng bagong damit at gamitin mo ito, ano pang hinihintay mo? Ngayon na! Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-1-17-29-31-32-34.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Bakal o matigas na bagay ang iyong pampabuwenas. Kumuha ng maliit na magnet at ilagay mo ito sa iyong wallet, dahil ito ang magsisilbing panghatak ng mga suwerte na nasa paligid mo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-5-14-17-20-21-23.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Titigan mo lang ang langit at sabihin mo na rin ang iyong mga kahilingan, hintayin mo lamang dahil tiyak na mapapasakamay mo ito. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-14-15-22-26-33-37.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Ilabas mo ang lumang relo na iyong iniingatan. Hindi naman ito sira, ito ay gumagana pa. Kapag ito ay iyong sinuot ang magagandang kapalaran ay dadapo sa iyo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-6-11-12-26-30-31.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Banayad na malamig na hangin ang dadapo sa iyong mukha, nangangahulugang ito na kung ano ang iyong naisin ay tiyak na mapapasaiyo. Masuwerteng kulay-aquamarine. Tips sa lotto-5-11-15-26-33-38.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Ihakbang mo ang iyong mga paa, kahit wala kang pupuntahan. Sa ganito paraan ka tiyak na bubuwenasin. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-9-17-20-24-33-37.



Comments