Horoscope | Agosto 7, 2023 (Lunes)
- BULGAR
- Aug 7, 2023
- 2 min read
ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | August 7, 2023
Sa may kaarawan ngayong Agosto 7, 2023 (Lunes); Huwag kang matakot na lumayo sa iyong sariling bayan, dahil ang iyong mga suwerte ay nasa malalayong lugar.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Muling ibinalik ng langit ang mayaman mong imahinasyon nang sa gayun ay mas lalo mo pang mapaunlad ang iyong buhay. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran sa mga araw na ito. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-18-20-24-30-33-35.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Simplehan mo lang ang buhay mo. Kung ano ang nakikita mo ‘yun ang paniwalaan mo. Kung ano ang nasa malapit sa iyo, ‘yun ang tutukan mo sa mga araw na ito. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-9-17-25-26-34-43.
GEMINI (May 21-June 20) - Binabalaan ka na maaari kang madaya. Ang mandadaya sa iyo ang magsasabi ng mga bagay na mahirap paniwalaan pero may posibilidad na sakyan mo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-15-16-29-35-43-45.
CANCER (June 21-July 22) - Mula sa malayo ang mga suwerte mo, may mga magtatangkang hadlangan ang mga ito dahil sila ay inggit na inggit sa iyo. Masuwerteng kulay-burgundy. Tips sa lotto-16-21-25-28-35-46.
LEO (July 23-Aug. 22) - Gusto ng langit na pagandahin ang buhay mo kaya lang ay naaantala ito dahil pilit kang humihingi ng suporta sa tao. Parang bang ‘di ka naniwala na ang langit mismo ang umaalalay sa iyo. Masuwerteng kulay-orange. Tips sa lotto-8-18-29-30-35-44.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Masyado mong pinapaganda ang mga ideyang labas-masok sa iyong isipan. Humahanga ka kasi sa mga imposibleng mangyari. Ang mas magandang gawin mo ay maging praktikal ka lang. Masuwerteng kulay-aquamarine. Tips sa lotto-15-18-20-25-26-32.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Huwag mong angkinin ang hindi mo pa hawak. Marami ang nasasaktan dahil sa sobrang pagiging positibo. May pagkakataong ang itlog ay hindi nagiging sisiw. Masuwerteng kulay-lilac. Tips sa lotto-16-17-21-25-27-38.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Humingi ka ng payo sa alam mong maraming alam na pormula ng tagumpay upang makakuha ka sa kanya ng mga ideya. Masuwerteng kulay-lavender. Tips sa lotto-11-18-23-38-40-41.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Salubungin mo ang mga darating na araw upang mawala ang iyong lungkot at mapalitan ang kaligayahang pinagdamot sa iyo. Masuwerteng kulay-maroon. Tips sa lotto-9-12-24-25-34-41.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Darating na parang mga sorpresa ang mga magagandang bagay na noon mo pa hinihintay. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-3-16-20-21-25-37.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Huwag mong dayain ang iyong sarili ang isa ay isa at ang dalawa ay dalawa. Ibig sabihin, huwag kang lumabis sa paglalarawan sa mga bagay na dumarating sa iyo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-1-11-18-28-33-39.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Ngayon na ang tamang panahon para muli mong simulan ang iyong proyekto na sa iyo ay magpapaunlad, na hindi mo naituloy noon dahil kinulang ka sa tapang at lakas ng loob. Masuwerteng kulay-gray. Tips sa lotto-8-15-16-28-30-33.




Comments