Horoscope | Agosto 31, 2026 (Lunes)
- BULGAR

- 3 days ago
- 2 min read
ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | August 31, 2026

Sa may kaarawan ngayong Agosto 31, 2026 (Lunes): Hindi ka mabibigo sa mga ambisyon mo. Simple lang naman ang kailangan, at ito ay ang unahin mo ang para sa iyo kaysa sa para sa iba.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Kahit masaya ang paligid, may ilang kalungkutan pa ring uusbong. Gayunman, ‘wag mo silang pansinin. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-9-11-18-23-28-34.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Iplano mo ang buhay mo dahil ang taong walang plano ay kung saan-saan lang hihilahin ng kapwa niya, na sa huli ay siya na mismo ang magsasabing, “Ginagamit lang ako ng iba.” Masuwerteng kulay-burgundy. Tips sa lotto-6-10-22-35-39-42.
GEMINI (May 21-June 20) - Akala ng iba, ang mga taong mabilis kumilos ay hindi nag-iisip. Sa iyo, kasabay ng bilis ng mga kilos mo ay ang bilis din ng pag-iisip mo, kaya maiiwanan mo nang milya-milya ang mga karibal mo. Masuwerteng kulay-gray. Tips sa lotto-1-12-20-33-36-41.
CANCER (June 21-July 22) - Iwasan mong maging abala para sa kapakanan ng iba. Ito ang pagkakamali ng iba na nakalimutan ang sariling kaligayahan dahil sa pagsasakripisyo para sa kapwa. Masuwerteng kulay-black and white. Tips sa lotto-4-19-29-31-36-44.
LEO (July 23-Aug. 22) - Akala ng marami, kaya ka nilang daigin. Ang hindi nila alam, hindi naman mahalaga sa iyo ang posisyon, at ang isa pang hindi rin nila alam, talo mo sila kahit hindi ka gaanong kumilos. Masuwerteng kulay-orange. Tips sa lotto-3-14-21-25-30-42.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Tapusin ang dapat tapusin. Hindi maganda kung may mga hindi ka natapos na kaya naman sanang tapusin ngayon. Masuwerteng kulay-silver. Tips sa lotto-7-11-27-34-38-45.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Magpapatuloy ang pagbibigay mo ng saya. Sa katunayan, sapat nang maging bahagi ka ng buhay ng isang tao dahil kapag masaya ka, sasaya rin sila. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-8-13-29-35-37-40.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Nasa isip lang ang lungkot. Kaya kapag masaya ang isip, masaya rin ang tao. Kaya bakit ka magpapaapekto sa mga problema, lalo na sa mga problema ng mga tao sa iyong paligid? Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-6-17-24-31-37-41.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Pansamantala lang ang saya na nakukuha sa pagkaing masarap. Pero ang bunga ng pagsusumikap at pagsisinop ay panghabambuhay. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-1-18-22-32-38-43.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Nagbabalita ang mga ingay ng mga bata na sa susunod na taon ay mas gaganda na ang buhay mo at napakaraming sorpresa kang matatanggap. Masuwerteng kulay-emerald green. Tips sa lotto-6-16-21-26-33-45.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Nakakagulat ang susunod na mga pangyayari sa buhay mo. Marami ang mga luhang tutulo dahil sa iyo. Ang isa pang nakakagulat na maaaring hindi mo paniwalaan ay ang luluha ka rin. Masuwerteng kulay-ocher yellow. Tips sa lotto-7-18-20-27-32-44.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Ang payo ng dalubhasa ay umiwas sa masasama. Ang tinutukoy nitong masama ay ang masasamang pagkain na nakasisira sa katawan o sa kalusugan. Pakinggan at isabuhay mo ito upang mapanatili mo ang iyong kalusugan. Masuwerteng kulay-aquamarine. Tips sa lotto-9-12-25-31-39-42.



Comments