Horoscope | Agosto 28, 2023 (Lunes)
- BULGAR
- Aug 28, 2023
- 2 min read
ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | August 28, 2023
Sa may kaarawan ngayong Agosto 28, 2023 (Lunes): Napabilang ka sa masuwerteng nilalang dahil hindi mo na kailangang paghirapan pa ang iyong kapalaran.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Maikli man o mahaba, ang araw ito ay dapat mong pakinabangan. Ikilos mo ngayon ang anumang maisip mo at tiyak na ito ay matutupad. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-1-17-21-25-27-35-39.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Huwag mong hayaang matalo ka ng iyong inis. Ang lahat ng bagay dito sa mundo ay lumilipas, kaya ang salot at lungkot ay lilipas din. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-6-19-21-27-31-40.
GEMINI (May 21-June 20) - Ngayon mo masasaksihan ang mga mahihirap ay laging kinakawawa. Masuwerteng kulay-lavender. Tips sa lotto-9-14-21-25-28-35.
CANCER (June 21-July 22) - Sapat ang katuwiran mo para magreklamo kaya lang hindi sapat ang kanilang pang-unawa. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-2-19-25-27-35-41.
LEO (July 23-Aug. 22) - Huwag mong pahirapan ang iyong sariling mag-diet. Mas magandang kumain ng marami kaysa na humina ang iyong resistensya. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-10-19-22-25-27-31.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Dumarami ang listahan ng iyong mga naipong magagandang pananaw sa buhay pero dumarami rin ang mga naiipon mong hinanakit, balansehin mo ito upang ‘di ka mahirapan. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-4-16-25-28-37-38.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Humihina ka ngayon, gumawa ka ng paraan upang sumaya. Makipag-ugnayan ka sa mga taong alam mong kaya kang pasayahin. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-6-15-21-27-39-42.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Magbawas ka ng mga kaibigan na pabigat lang sa iyo at ‘di mo naman talaga maasahan. Samantala, dagdagan mo naman ang mga kaibigan na handa kang alalayan at damayan. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-7-19-21-29-35-43.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Noon, ‘di mo pa alam ang ugali ng mga taong nasa paligid mo, pero ngayon nakikita at nararanasan mo na ang tunay nilang pag-uugali. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-6-15-21-27-33-39.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Ito ang araw na hindi ka dapat tumanggi sa iyong kaibigang humihingi ng tulong. Kapag pinagbigyan mo siya, may nakahanda ng regalo sa iyo ang langit. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-4-8-17-22-28-35.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Pansinin mo ang mga nasa tabi mo. At ang mga taong lumayo na nagpapansin sa iyo ay hayaan mo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-7-11-25-27-35-40.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Ipahiram mo ang tatag at tibay mo sa mga taong pinanghihinaan ng loob. Dumikit ka sa kanila, makikita mo, mas gaganda ang iyong buhay. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-11-16-20-26-29-34.




Comments