Horoscope | Agosto 19, 2026 (Miyerkules)
- BULGAR

- 21 hours ago
- 2 min read
ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | August 19, 2026

Sa may kaarawan ngayong Agosto 19, 2026 (Miyerkules): Marami kang dapat ipagpasalamat sa langit, dahil ang mga biyaya at pagpapala ay hindi mo na kailangan pang paghirapan.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Muli, kung saan ka masaya, roon ka, at kung saan ka madadalian, doon ka. Sa katunayan, gusto ng langit na sumaya ka at hindi na mahirapan pa. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-3-10-19-24-28-33.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Hindi nakakalimot sa iyo ang langit. Lagi ka Niyang naaalala. Sa katunayan, papadalhan ka Niya ng ilang malalaking suwerte para patunayan sa iyo na ikaw ay mahalaga. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-2-14-26-31-39-43.
GEMINI (May 21-June 20) - Alisin mo ang pagdududa at pag-aalinlangan dahil ang mga ito ang sagabal sa mabilis na pag-asenso. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-9-11-17-26-35-40.
CANCER (June 21-July 22) - Maraming aral sa buhay ang nakukuha ng tao kapag dumarating ang bagyo. Ganundin dapat ang mangyari sa iyo kapag ikaw ay nakakaranas ng unos ng kapalaran; kailangan mong matutunan ang mga aral na dala nito. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-1-18-21-28-30-41.
LEO (July 23-Aug. 22) - Ipinaalala sa iyo na ang mga suwerteng kaloob ng langit ay hindi dapat sinasayang. Ito ay dapat mong ingatan at pahalagahan. Kaya sikapin mong makontrol ang iyong sobrang kabaitan at pagiging palabigay. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-4-13-23-36-38-41.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Umiwas ka kapag hindi mo kaya. Huwag mong pairalin ang lakas ng loob na wala naman sa lugar. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-5-12-20-26-31-35.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Ingatan mo ang mga taong nagpabuti ng buhay mo, at huwag mong hayaang mawala sila sa iyo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-6-13-25-30-32-39.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Huwag mo nang ituloy ang plano mong hindi naman tugma sa panahon. Hindi kahinaan para sa iyo ang pag-atras sa mga gusto mong gawin. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-burgundy. Tips sa lotto-4-15-19-22-24-30.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Maghanda ka upang ‘di masayang ang pagkakataon. Bilang paunang hakbang, itakwil mo ang mga hindi magagandang gawi. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-7-11-16-23-37-41.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Ito ang araw na bubuksan ng langit ang kanyang bintana para sa iyong mga kahilingan. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-3-14-17-20-25-38.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Kung ano ang gusto mong gawin, gawin mo! Ito ang sikreto ng masayang buhay. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-8-10-19-27-39-42.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Muli, lumayo ka sa mga paladaing, reklamador at sa mga walang nakikita kundi ang kapintasan ng iba. Ayaw ng langit sa kanila. Kaya huwag mo silang tularan. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-5-11-18-26-33-31.



Comments