top of page
TALKIES - MAYOR VICO, UMAMING NEVER NAISIP MAG-SHOWBI-IG _vicosotto.jpg

Horoscope | Agosto 19, 2023 (Sabado)

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 19, 2023
  • 2 min read

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | August 19, 2023


Sa may kaarawan ngayong Agosto 19, 2023 (Sabado): Kabutihang loob ang hinahangaan sa iyo ng langit kaya ang mga pagpapala ay laging sumasaiyo.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) – Huwag ka magpapaapekto sa mga malulungkot na balita. Kailangan mong maging positibo dahil kapag naging negatibo ka ang mga taong nasa paligid mo ay magiging negatibo rin. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-8-15-20-24-38-45.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Ipakita mong buo pa rin ang iyong loob kahit ang mga kaganapan ay nakakapanghina ng iyong loob. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-11-16-25-28-35-37.

GEMINI (May 21-June 20) - Ito ang araw na tuluy-tuloy kang uunlad sa aspetong pangpinansyal. Kaya anuman ang naisin mo na may kaugnayan sa pagkakakitaan, ipatupad mo agad. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-1-6-26-37-41-45.

CANCER (June 21-July 22) - Kung ano ang kanilang kailangan, ibigay mo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-1-17-20-25-34-44.

LEO (July 23-Aug. 22) - Maghanap ka ng mga bagay na hindi mo pa nakikita sa iyo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-5-16-22-31-33-36.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Huwag kang magduda sa iyong kakayahan. Maraming pagsubok na ang iyong nalagpasan sa nakaraan. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-1-15-23-27-31-37.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Huwag mong pilitin ang ayaw maniwala sa’yo. Hayaan mo silang magsisisi sa huli, ito na rin ang aral sa buhay na makukuha nila. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-12-15-19-22-26-31.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Sa labas, may naghihintay sa iyo na magandang kapalaran. Maaari ka ring makapangibang-bansa. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-7-16-20-24-34-37.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Tumulong ka, ngunit kung ano lang ang kaya mo iyon lang ang ibahagi mo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-7-18-24-28-36-42.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Mabuhay ka ayon sa kaya mo. Ito ang tunay na sikreto ng pagkakaroon ng magandang kapalaran sa hinaharap. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-2-10-12-26-31-38.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Palakasin mo ang iyong sarili. Huwag mong abusihin ang iyong sarili mo sa mga aktibidad na walang kakuwenta-kuwenta. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-1-19-25-30-35-44.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Kung ano ang nakikita mo iyon ang totoo, ang bunga ng isip ay bunga lang ng iyong imahinasyon. Muli, kung ano ang nakikita mo iyon ang reyalidad. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-14-18-20-26-32-41.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page