top of page
Isko Moreno Domagoso - FB.jpg

Horoscope | Agosto 13, 2023 (Linggo)

Writer: BULGAR
BULGAR
Aug 13, 2023
2 min read

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | August 13, 2023


Sa may kaarawan ngayong Agosto 13, 2023 (Linggo): Hindi masamang tumulong sa iyong kapwa pero dapat pahalagahan mo rin ang iyong sarili.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Walang basehan ang iyong pag-aalala. Minsan, ang tao ay gumagawa ng saliri nilang multo upang sila ay lalong mahirapan. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-9-21-22-26-30-34.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Aakalain mong mahihirapan ka sa mga gusto mong gawin, simulan mo na at magugulat ka dahil madali lang pala ito at walang kahirap-hirap. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-17-18-20-24-34-40.

GEMINI (May 21-June 20) - Kung ano ang nakikita ‘yun ang reyalidad. Ito ang gawin mong batayan sa kung ano ang iyong pinaniniwalaan upang ‘di ka tuluyang maligaw. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-7-10-15-16-24-35.

CANCER (June 21-July 22) - Pansamantala mong itigil ang pagsasagawa ng iyong mga plano. Huwag kang magkunwaring malakas. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-19-21-28-33-36-42.

LEO (July 23-Aug. 22) - Tinatakot mo ang iyong sarili, kaya walang magandang mangyayari sa buhay mo. Labanan mo ang takot upang gumanda ang iyong buhay. Ito ang iyong isaisip. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-12-17-28-30-31-36.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Nagpipilit ang mga negatibong pananaw sa isip mo. Kumilos ka ayon sa orihinal mong plano at huwag mo itong babaguhin. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-4-18-20-28-31-37.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Humingi ka ng opinyon at pananaw sa ibang tao tungkol sa proyektong nais mong gawin para makabuo ka ng magandang diskarte. Masuwerteng kulay-lilac. Tips sa lotto-2-11-16-20-24-38.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Iwasan mong magalit para ‘di mo masaktan ang iyong sarili. Higit kailanman, ngayon mo dapat habaan ang iyong pang-unawa. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-4-17-20-25-26-35.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Huwag mong pansinin ang mga negatibong pananaw na pinaririnig sa iyo. Ituring mong mga ingay lang ang mga ito na wala namang kabuluhan. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-19-20-26-30-34-41.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Pikit-mata mong gawin ang gusto mo. Dahil ang matang nakadilat, ay kung anu-ano lang ang nakikitang mga sagabal. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-16-18-20-25-34-40.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Dagdagan mo ang tiwala mo sa iyong sarili. Makikitang pinanghihinaan ka ng loob. Hindi ito dapat na magpatuloy dahil mawawala ang magandang takbo ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-18-20-22-25-31-32.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Hawak mo ang susi ng iyong tagumpay. Gamitin at buksan mo ang bagong mundo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-9-12-22-37-42-46.




Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page