top of page
TEKA NGA - KATHRYN, OBYUS NA WALA NANG GANANG UMARTE-FB Netflix.jpg

Horoscope | Agosto 10, 2026 (Lunes)

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 10
  • 2 min read

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | August 10, 2026



Horoscope


Sa may kaarawan ngayong Agosto 10, 2026 (Lunes): Kabilang ka sa mga mapapalad. Kaya tiyak na mamumunga ang iyong mga pagsisikap.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Pasayahin mo ang sarili mo. Kapag masaya ang tao, mas lalo siyang ginaganahang paunlarin ang kanyang sarili. Masuwerteng kulay-lilac. Tips sa lotto-9-13-29-24-39-41.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Hindi ka dapat masyadong maging mabait. Hindi mo ba napapansing nauuto ka ng mga taong malalapit sa iyo at hingi sila nang hingi ng pabor, habang ikaw naman ay bigay nang bigay? Tinuturuan mo lang sila na umasa nang umasa at hindi na magsumikap. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-4-11-16-20-26-37.


GEMINI (May 21-June 20) - Malulunod ka sa saya at makakalimutan mo ang ilang mahahalagang obligasyon mo sa pamilya at sa ibang tao. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-6-18-20-24-39-41.


CANCER (June 21-July 22) - Bago ka makipagsapalaran, lalo na sa pakikipagrelasyon, ayusin mo muna ang mga katangian mo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-7-19-22-26-29-33.


LEO (July 23-Aug. 22) - Susuwertehin ka ngayon at magpapatuloy ang dating ng mga suwerte mo kapag nagawa mong ibahagi sa iyong kapwa ang ilang biyayang mapapasaiyo. Masuwerteng kulay-orange. Tips sa lotto-2-10-14-17-23-38.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Ang likas mong katalinuhan ang gagabay sa iyo upang mapabuti ang iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-gray. Tips sa lotto-3-19-28-30-37-42.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Hindi ka mauubusan ng mga suwerte, pero ang payo pa rin ay maging masinop ka upang wala kang panghinayangan. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-1-14-25-31-34-40.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Nakapagtataka ang kapalaran mo dahil ayon sa mga bituing tumatanglaw sa iyo, handa kang magsakripisyo alang-alang sa mga mahal mo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-5-11-15-29-35-41.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Patuloy mong aanihin ang matatamis na bunga ng iyong pagsusumikap. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-9-17-21-24-37-45.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Ito ang araw na ang maliliit at malalaking suliranin mo ay tatangayin ng mga ulap na nagsasabing maglalaho na ang mga ito na parang hindi ka naman nagkaroon ng mga problema. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-5-18-20-25-36-40.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Lahat ng bagay rito sa mundo ay kumukupas. Ito ang tandaan mo ngayon. Masuwerteng kulay-lavender. Tips sa lotto-4-13-28-30-37-41.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Balikan mo ang iyong nakaraan, kung saan ay nakaranas ka ng kabiguan. Hindi na muling mangyayari pa ito sa iyo kapag ginamit mo ang mga aral sa buhay na iyong natutunan. Sa bawat pagkilos, dapat na maging tiyak at sigurado ka sa ngayon. Masuwerteng kulay-silver. Tips sa lotto-7-10-14-22-32-43.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page