top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Horoscope | Abril 9, 2022 (Sabado)

BULGAR
Apr 9, 2022
2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| Abril 9, 2022


Sa may kaarawan ngayong Abril 9, 2022 (Sabado): Wala kang talo sa anumang hamon ng kapalaran na hindi mo aatrasan. Ito ay ginagarantihayan ng araw ng iyong pagsilang.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Hahawiin ng langit ang mga sagabal sa landas ng buhay na iyong tinatahak at ang mga problema ay magiging bagong oportunidad. Magpasalamat ka sa nasa itaas. Masuwerteng kulay-lilac. Tips sa lotto-4-18-20-24-39-42.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Buksan mo ang iyong mga mata. Makikita mo na ang matatapang at ‘di takot na harapin ang mga pagsubok ay nagkakaroon ng magagandang kapalaran. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-8-11-12-27-34-36.


GEMINI (May 21-June 20) - Natututo ang tao sa kanyang karanasan. Bakit mo iiwasan ang mga pangyayaring hahamon sa iyong kakayahan? Ito ang mga mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-11-17-20-21-28-42.

CANCER (June 21-July 22) - Pinahalagahan mo ang mga dating nakatulong sa iyo, kaya umaangat pa nang todo ang iyong kalagayan. Mahiwaga ang buhay sa mundo at ‘pag ginawa mo, gaganda pa nang gaganda ang kalagayan mo sa buhay. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-18-25-29-34-40-41.

LEO (July 23-Aug. 22) - Hindi natutulog ang langit. Ang totoo, langit mismo ang gumigising sa iyo upang harapin ang bagong umaga na nagsasabing, ang pag-asa at pagwawagi ay laging nagbabantay sa iyo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-15-20-24-34-36-41.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Kailangan ng tao ang kamay para matupad ang kanyang mga pangarap. Ibig sabihin, kailangang kumilos ka nang makuha mo ang gusto mo sa buhay. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-19-26-29-30-31-38.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Huwag kang mabibigla dahil ang ayaw mo ay mapasasaiyo. Huwag kang mamamangha dahil ang napasaiyo ay tunay na kailangan mo sa buhay. Gayundin, ito ay madodoble at daragdagan pa ng langit. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-10-11-14-23-35-40.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Kung ano ang nakikita mo, ‘yun ang totoo. Huwag kang kumapit sa iyong haka-haka. Bago ka magpasya, kailangang may sapat na batayan ka. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-16-19-21-23-37-42.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Dumadapo ang magagandang kapalaran sa taong may magandang pananaw. Linisin mo ang iyong isip at ang mga negatibong naiisip mo ay dapat nang ibasura. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-17-18-21-24-29-30.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Huwag kang makisali sa sigalot ng iba. Mas magandang habang nagkakagulo sila ay kumilos ka para mas mapalapit ka sa iyong mga pangarap. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-19-21-26-28-39-40.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Mapapansin mo na kapag umawit ang mga ibon, ibig sabihin ay gaganda na ang panahon. Mapapansin mo rin na kusa kang napapaawit. Dapat alam mo na ang ibig sabihin— masuwerte ka ngayon at patuloy pang susuwertehin. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-7-11-14-22-25-35.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Kung nahihirapan ang katawan, pahinga ang kasagutan. Kung nahihirapan ang iyong kalooban, lumayo ka muna at pumunta sa mga lugar na malapit sa kalikasan. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-17-21-23-31-38-42.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page