top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Horoscope | Abril 8, 2022 (Biyernes)

BULGAR
Apr 8, 2022
2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| Abril 8, 2022


Sa may kaarawan ngayong Abril 8, 2022 (Biyernes): Asikasuhin mo ang iyong sarili at tiyak na sobrang gaganda ang buhay mo. Ito ang kahulugan ng araw ng iyong pagsilang.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Kahit ilang sandali lang, bigyan mo ng oras ang pagsasaayos ng inyong bakuran. Dahil ang pag-aayos at pagpapaganda ng bakuran ang pampasuwerte mo ngayon. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-17-20-24-39-34-36.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Pakitaan mo ng maganda ang nasa malapit sa iyo na alam mong walang umaalalay. Kapag siya ay napasaya mo, makakaasa ka na ang mga suwerte ay dadapo sa iyo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-3-11-12-23-31-35.

GEMINI (May 21-June 20) - Minsan, simpleng-simple lang ang sikreto kung paano ka bubuwenasin. Para sa iyo, linisan mo ang sapin sa paa na paborito mong panglakwatsa. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-10-25-27-34-38-42.


CANCER (June 21-July 22) - Huwag kang magtaka kung paano ka susuwertehin. Magdilig ka ng mga halaman at ang suwerte at magagandang kapalaran ay isa-isa nang magdaratingan. Ito ang masuwerteng balita para sa iyo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-16-22-28-30-33-41.

LEO (July 23-Aug. 22) - Kapag may umapi sa iyo o ginawan ka ng hindi maganda, lihim kang magsaya. Dahil ang kondisyon para mahulog sa harapan mo ang malalaking suwerte ay masaktan ang iyong ego. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-4-10-12-23-35-36.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Ilabas mo ang sobrang lumang gamit na itinabi mo, linisin at pakislapin mo ito. Ito ang pampasuwerte mo at ang hindi kapani-paniwalang biglaan at malalaking suwerte ay mapasasaiyo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-6-9-15-16-24-39.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Mahalin mo ang iyong sarili. Ito lang ang kondisyon upang ang malalaking suwerte ay ihulog ng langit sa iyong harapan. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-18-22-28-30-31-32.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Habang umaasenso ka, alalayan mo ang malalapit sa iyong buhay. Kaya binibigyan ka ng langit ng pagkakataon ay dahil sa pangakong sila ay tutulungan mo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-13-29-30-35-40-42.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Hindi ka kakapusin, sa halip ay sobra-sobra ang magagandang bagay na ipagkakaloob sa iyo ng langit dahil ikaw ay nakitang hindi sumusuko sa iyong parangap. Masuwerteng kulay-burgundy. Tips sa lotto-14-18-22-29-38-41.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Eksakto sa oras, hindi huli at sobrang aga ang isabuhay mo. Ito ay nagsasabing eksakto rin sa kahilingan mo sa langit ang ipagkakaloob sa iyo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-16-18-20-25-37-41.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Mag-ingat ka. Ang naghahabol ay gustong makabawi, ibig sabihin, huwag mong pahalagahan ang gagawing paghahabol sa iyo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-7-11-13-26-32-33.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Nawawala ang problema at mapapalitan ng magandang kapalaran sa pamamagitan ng pakikipagkuwentuhan sa angat na ang kabuhayan. Kapag madalas mo itong ginawa, aangat din ang iyong kabuhayan nang higit pa sa kanila. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-19-21-27-31-40-43


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page