Horoscope | Abril 7, 2022 (Huwebes)
ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| Abril 7, 2022
Sa may kaarawan ngayong Abril 7, 2022 (Huwebes): Taglay mo ang malikhaing kaisipan, kaya wala kang katwiran kung bakit hindi ka yayaman. Ito ang kahulugan ng araw ng iyong pagsilang.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Mag-isip ka at makikita mo ang pinakamabilis na paraan ng pagpapayaman at agad mong isagawa ang maiisip mo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-3-19-20-35-40-42.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Maglalabasan ang mga mandaraya. Kung hindi ka magiging maingat, mapapaniwala ka sa mga tao at bagay na sa iyong tingin ay maganda, pero sa huli ay malaki ang mawawala sa iyo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-9-18-23-31-37-44.
GEMINI (May 21-June 20) - Maraming magagandang ideya ang maglalabas-pasok sa iyong isipan. Ikaw ay binabalaan na hindi puwedeng pagsabay-sabayin ang mga ito. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-2-16-28-34-36-45.
CANCER (June 21-July 22) - Mababawasan ang lakas ng iyong loob kaya hindi mo na magagawa ang ilan sa iyong plano. Ito ay dahil ang pag-aalinlangan ay makakasingit sa desisyon mo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-2-18-22-34-28-44.
LEO (July 23-Aug. 22) - Huwag kang basta-basta maniniwala. Nagtatago ang pandaraya sa mga bagong pananaw na ngayon mo lang maririnig. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-5-25-27-30-34-41.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Hindi nakakasingit ang pag-aalinlangan kapag mabilis kang kumilos. Nananalo ang pag-aalinlangan sa mga mabagal magsikilos. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-8-20-26-27-33-35.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Magdaratingan sa iyo ang magagandang kapalaran kapag ipinakita mo ang iyong pagmamalasakit sa mga inaapi at minamaliit. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-7-19-22-29-37-41.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Ngayon ang takdang panahon kung kailan dapat mong simulan ang matagal mo nang naiisip na magandang pagkakakitaan. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-1-23-28-30-32-43.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Marami ang mag-aalok ng alalay sa iyo kapag nalaman nila ang magagandang plano mo. Dahil dito, itabi mo muna ang pagiging mahiyain. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-6-22-28-30-35-45.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Lalagay ang mga suwerte sa harapan mo kapag ang mga nasa paligid mo ay tapat sa iyo at naniniwala sa kakayahan mo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-orange. Tips sa lotto-4-13-22-28-40-42.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Malikot ang isip mo ngayon. Kaya anumang sandali ay puwede kang magbago ng pasya. Gayunman, kapag nagkamali ka, kusa itong itatama ng langit upang ang suwerte at magagandang kapalaran ay tuluyan ding mapasaiyo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-9-28-33-36-30-41.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Iyong-iyo ang araw na ito. Hinihintay na ng langit ang kahilingan mo. Kung puwede, huwag mo nang lagyan pa ng kung anu-anong dekorasyon. Gawin mo ito nang simple, kumbaga, sabihin mo nang direkta. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-1-12-26-33-37-41.




Comments