top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Horoscope | Abril 4, 2022 (Lunes)

BULGAR
Apr 4, 2022
2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| Abril 4, 2022


Sa may kaarawan ngayong Abril 4, 2022 (Lunes): Gamitin mo ang mga suwerte mo para sa iyong sarili. Makikitang iba ang nakikinabang sa mga suwerteng regalo ng iyong kapalaran.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Iwasan mong magalit sa mga hindi nakakaintindi sa iyo. Dapat mong matanggap na mas mataas ka kaysa sa kanila kaya hindi ka nila maaabot. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-orange. Tips sa lotto-8-11-16-28-30-31.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Huwag kang magpahanap. Ito ang sikreto para magsilapit sa iyo ang malalaking suwerte. Ibig sabihin, ‘wag kang magtago, bagkus, lagi kang makisalamuha sa iyong kapwa. Ito ang mensahe ng kapalaran mo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-18-19-20-25-37-42.


GEMINI (May 21-June 20) - Magdahan-dahan ka. Ang landas ng buhay na iyong tinatahak ngayon ay maraming patibong kung kailan puwede kang madaya ng mga nagkukunwaring may simpatya sa iyo, pero kapahamakan ang lihim na dala. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-6-17-23-25-30-45.

CANCER (June 21-July 22) - Hayaan mo lang ang mga kumokontra sa plano mo dahil sila ang mabibigo at hindi ikaw. Ang isa pang totoo, ayaw nilang magtagumpay ka dahil maiinggit lang sila. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-6-18-20-24-27-34.

LEO (July 23-Aug. 22) - Nakakagulat ang iyong kapalaran dahil magaganap ang hindi mo gusto pero sa huli ay matutuklasan mo na ang lahat ay para sa kapakinabangan mo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-17-21-23-39-40-41.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Mabilisang pagbabago ang bigla mong ipatutupad at ito ay makakabuti para sa iyo. Noon pa man ay alipin ka na ng pag-aalingan sa sarili mong kakayahan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-2-14-15-20-38-45.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Huwag kang masindak sa taong angat na angat pumorma. Ang totoo, hanggang porma lang sila at sila ay may mahinang personalidad. Ito ang mensahe ng kapalaran mo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-1-19-29-30-33-38.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Nagkalat ngayon ang mga taong negatibo at palaangal. Baka mahawa ka, agad mo silang layuan dahil sila ay mga bigo sa buhay. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-8-12-16-23-36-40.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Sapat ang kakayahan mo para makuha ang iyong ambisyon. Pero hindi masama kung tatanggapin mo ang tulong ng malalapit sa puso mo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-13-15-28-33-34-42.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Aanhin mo ang tulong kung isusumbat naman sa iyo? Minsan, maganda pa ang mag-isang nagsisikap. Magtiwala ka sa sarili mong kakayahan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-7-11-25-29-31-37.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Hindi ka puwedeng magtagal sa malayong lugar. Dapat mong maunawaan na ang pamamasyal ay panandalian lang na pagpunta sa magaganda’t nakakaaliw na pasyalan. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-6-15-26-34-41-45.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Hindi pa humihinto ang mga suwerte mo. Ang akala mong biglang nawala ang mga ito ay kumukuha lang ng malalakas na buwelo nang sa gayun ay umapaw ang kagalakan mo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-9-10-13-29-30-32.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page