ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | Ika-30 araw ng Abril 2024
Sa may kaarawan ngayong Abril 30, 2024 (Martes): Simula noong ika’y bata, hindi ka na nauutusan. Bakit kaya? Dahil ikaw ay isinilang upang mag-utos. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Mag-utos ka nang mag-utos upang malaking suwerte at magandang kapalaran ang iyong matamo.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Pabigla-bigla ang pag-angat mo. Mas mataas ang maaabot mo ngayon kesa sa iyong pinapangarap. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-3-18-27-30-36-42.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Kung ano ang ugali ng iyong nakakasama, magiging ganu’n ka. Kaya ang payo sa iyo, dumikit ka sa mga taong sinusuwerte para suwertehin ka rin. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-6-12-19-27-39-45.
GEMINI (May 21-June 20) - Itataas ka ng mga taong nasa paligid mo, pero mag-aalinlangan ka, kaya lang naman maganda ang nangyayari sa iyong buhay ay dahil likas kang mapalad. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-5-15-29-34-37-41.
CANCER (June 21-July 22) - Mahihirapan ka at gugustuhin mo na lang na sumuko sa hamon ng buhay, ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon, may masisilip kang liwanag tulad ng liwanag sa gilid ng makakapal na ulap. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-2-12-26-28-39-44.
LEO (July 23-Aug. 22) - Hindi mo kailangan ng sobrang sipag at sikap dahil ang mga suwerte ay kusa namang guguhit sa iyong buhay. Gayunman, ang sikap at hirap ay iyo pa ring mapapakinabangan. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-1-18-22-34-38-41.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Kakatok sa kapalaran mo ang pagkakataong ikaw ay umasenso. Nagbabalita rin ito na ikaw ang mamumuno at hahawak ng maraming tao. Huwag mo itong atrasan dahil kailangan mo itong tanggapin at yakapin. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-5-17-25-36-38-40.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Nakakatuwa ang kapalaran mo ngayon dahil mapapasaiyo ngayon ang iyong pinapangarap. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-9-14-16-27-30-33.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Ipadama mo sa lagi sa taong nakakasama mo ang iyong pag-ibig. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-2-19-21-24-39-42.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Huwag mong bitawan ang taong dati na ring nagpasaya sa iyo. Mahalaga rin ang mga bagong kaibigan, ngunit susubukin muna sila ng panahon. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-9-15-27-36-40-45.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Nakakatuwa ang buhay sa mundo. Ang minsang nanlamang ay muling manlalamang. Ikaw ang nasa huli, kaya muli kang malalamangan ng isang malapit sa iyo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-8-17-22-25-35-42.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Mahirap paniwalaan, ngunit kahit nag-aalinlangan ka, ang payo ay awayin mo ang nagmamahal sa iyo. Sa ganitong kakaibang paraan, lalong tatamis ang inyong relasyon at pag-iibigan. Masuwerteng kulay-lilac. Tips sa lotto-4-13-18-20-39-44.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Walang sinumang makapipigil sa pag-ikot ng kamay ng orasan. Sa ganitong katotohanan, upang hindi ka mapag-iwanan, huwag kang mabuhay sa kabiguan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-7-16-20-25-34-45.
Comments