top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Horoscope | Abril 3, 2022 (Linggo)

BULGAR
Apr 3, 2022
2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| Abril 3, 2022


Sa may kaarawan ngayong Abril 3, 2022 (Linggo): Hindi magbabago ang pag-angat ng iyong kapalaran kahit may pagkakataong parang hindi umuusad ang iyong buhay dahil langit mismo ang nagdidikta nito.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Maghanda ka dahil ang pagdating ng mga bagong panahon sa buhay ng tao ay dapat pinaghahandaan. Ito ay tulad ng pagpipiyesta ng mga tao kapag magpapalit ang takdang panahon. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-8-11-18-20-23-33.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Hindi ka bibiguin ng langit kapag ang kahilingan mo ay para sa pagpapaunlad ng buhay mo. Ang iba pang kahilingan na walang kinalaman sa kabuhayan ay malabong pagbigyan. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-7-15-20-26-30-33.

GEMINI (May 21-June 20) - Huwag mong pansinin ang mga negatibong pananaw na naririnig mo. Ituloy mo ang iyong mga plano at makakaasa ka na ang bendisyon ng langit ay ipagkakaloob sa iyo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-9-11-18-21-26-34.

CANCER (June 21-July 22) - Napansin mo ba, ang mga angat sa buhay, may sinasabi at ang mga may kaya, ang mga mata nila ay sa iyo nakatutok na parang wala nang tintingnang iba? Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-7-18-20-25-34-38.

LEO (July 23-Aug. 22) - Wala kang maaasahang tulong sa kapwa. Bakit? Dahil ikaw mismo ang tutulong sa kanila. Ito ang papel mo sa mundo ngayon, gampanan mong mabuti. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-19-21-26-30-35-42.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Makibahagi ka sa mga proyektong magpapaangat sa kalagayan ng mga nasa ibaba. Ang mga mata ng langit ay nakasubaybay sa mga taong nagmamahal sa mga kapos-palad. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-7-19-20-24-33-41.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Isipin mo, may mga bagay na kailangang itapon ng tao na ‘pag nagawa niya ay biglang magbabago ang takbo ng kanyang mundo. Itapon mo ang mga nagbibigay sa iyo ng lungkot. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-8-19-24-30-38-45.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Ilabas mo ang sobrang luma mong gamit na puwede pang gamitin. Ito mismo ang pampasuwerte mo. Itago at ingatan mo at muling ilabas kapag gusto mong buwenesin. Masuwerteng kulay-burgundy. Tips sa lotto-8-15-21-29-30-34.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Iyung-iyo ang araw na ito. Ngayon mo hingin sa langit ang iyong malalaking kahilingan. Makakaasa ka na kahit may pagkaimposible at mahirap mangyari, gagawa ng paraan ang langit. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-3-11-17-21-27-30.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Angat na angat ka ngayon. Ito ay masasayang balita para sa iyo, pero sa mga inggit na inggit sa iyo, ito ay hindi maganda. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran sa araw na ito. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-7-10-22-28-39-44.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Tatanggap ka ngayon ng regalo. Itago mo dahil ito na mismo ang pampasuwerte mo. Kapag napansin mong parang hindi maganda ang araw para sa iyo, gamitin mo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-18-24-30-36-41-46.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Makakabahagi ka sa mga suwerteng ihuhulog ng langit. Para mas malalaki at marami ang mapasaiyo, ang mga bagay na nasa loob ng inyong bahay na hindi mo na ginagamit at nagiging abubot lamang ay ipamigay mo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-6-7-11-19-22-38.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page