top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Horoscope | Abril 29, 2022 (Biyernes)

BULGAR
Apr 29, 2022
2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| Abril 29, 2022


Sa may kaarawan ngayong Abril 29, 2022 (Biyernes): Malakas ang karisma mo at kapag ginamit mo ito sa negosyo, ang pagyaman ay para sa iyo. Muli, sa negosyo mo ituon ang iyong malakas na karisma.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Damdamin ang maghahari sa iyo. Huwag mong labanan, sundin mo ang iyong damdamin nang sa gayun ay mapasaiyo ang kaligayahan. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-burgundy. Tips sa lotto-3-19-20-24-30-45.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Kapag naawa ka sa isang madalas na manamantala sa kabaitan mo, hindi ka dapat magalit dahil ang kondisyon para dumapo sa iyo ang malalaking suwerte ay ang maisahan kang muli. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-19-24-27-39-42-43.

GEMINI (May 21-June 20) - Pakikipagbalikan ang ibinabalita ng araw na ito. Huwag kang mag-alala dahil sa pagkakataong ito, hindi ka maaargabiyado. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-5-11-16-24-34-41.

CANCER (June 21-July 22) - Ngayon ang araw na hinihintay mo na sunod-sunod ang pagdating ng mga suwerte sa buhay mo. Kaya naman palagi kang magpasalamat sa nasa itaas. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-3-11-13-25-30-46.

LEO (July 23-Aug. 22) - Huwag kang magsasawa sa pagbibigay ng payo sa taong alam mong matigas ang ulo. Ang punong patuloy na inaalog, sa katagalan ay nahuhulog din ang mga bunga. Ito ang mensahe ng kapalaran mo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-13-18-20-21-27-32.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Magtiwala ka sa iyong sarili. Noong nagtiwala ka sa sarili mo, naalala mo ba na ang malalaking pakinabang ang napasaiyo? Kaya muli, ibalik mo ang tiwala sa sarili mo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-1-18-21-29-33-35.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Muling nagbabalikan ang mapapalad mong araw. Ihanda mo ang iyong sarili na itakwil ang hindi magagandang gawi at ugali nang hindi masayang ang masusuwerteng araw mo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-7-10-14-15-26-38.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Sundin mo ang kutob mo at yayaman ka sa negosyo. Ang pag-aalinlangan, kahit kailan ay hadlang sa iyong tuloy-tuloy na pag-asenso. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-7-11-18-22-26-31.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Aangat pa ang buhay mo kaya ang makunteto sa tinatamasa mo sa kasalukuyan ay malaking pagsasayang sa panig mo dahil nakakapanghinayang kung aangat pa ang iyong buhay. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-9-11-16-25-39-40.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Huwag mong pilitin ang ayaw sumunod sa iyo. Ito ay para makaiwas ka sa babala ng pagkakaroon ng karamdaman. Muli, ang ayaw sumunod ay huwag mo nang pilitin pa. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-6-16-24-38-39-43.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Nakakagaan ng kalooban ang pagtanggap. Ito rin ay nagbibigay ng pagkakataon para sa mga bagong kabanata ng buhay. Ito ang iyong bulay-bulayin ngayon. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-14-27-30-35-41-45.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Hawakan mo ang iyong sarili. Nagbababala ang araw na ito na tatalunin ka ng awa sa taong hindi naman dapat kaawaan. Muli, hawakan mo ang iyong sarili. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-11-18-20-25-36-41.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page