top of page
BIDA - CLAUDIA, PINAPAPALITAN NG BARRETTO ANG APELYIDO-IG _claudia & _dennisastig.jpg

Horoscope | Abril 26, 2026 (Linggo)

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Apr 26
  • 2 min read

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | April 26, 2026



Horoscope


 

Sa may kaarawan ngayong Abril 26, 2026 (Linggo): Dala mo ang suwerte ng mga taong didikit sa iyo. Gayunman, ang suwerte mo ay dapat sa personal mong buhay mapunta.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Mahihirapan ka, pero sa unang tingin lang. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-9-16-21-29-33-45.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Huwag kang kumilos at magsalita na parang inip na inip ka nang gumanda ang buhay mo dahil ang mas makabubuti ay ang pagkakaroon ng positibong pananaw. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-3-10-22-30-36-42.


GEMINI (May 21-June 20) - Okey lang na mabagal ngayon. Ipahinga mo muna ang mabilis mong pagkilos. Makabubuti ito sa iyo, dahil makikita at mapag-aaralan mo ang iyong mga plano. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-7-14-18-24-37-41.


CANCER (June 21-July 22) - Habang lumilipad ang mga ibon sa taas ng langit, sila ay masayang namamahinga. Huwag mong seryosohin ang trabaho mo. Mas maganda kung magsasaya ka habang may ginagawa ka. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-4-15-23-25-34-36.


LEO (July 23-Aug. 22) - Iwasan mong magalit kapag hindi ka maunawaan ng iba. Kailanman ay hindi mabuti sa iyo na pagharian ka ng inis. Huminga ka nang malalim upang mawala ang galit at inis mo, at lagi kang manalangin. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-2-11-21-28-30-43.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Simplehan mo lang ang buhay mo. Kung ano ang kaya mo, iyon lang ang gawin mo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-8-17-20-26-38-40.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Anumang sandali ay lalakas ang iyong imahinasyon. Kapag negatibo ang sumaiyo, bumalik ka sa reyalidad. Tandaan mong maganda lamang at kapaki-pakinabang ang mayamang imahinasyon kung positibo ang resulta. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-9-17-23-33-39-41.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Dadapo sa iyo ang mga suwerteng inayawan ng iba, lalo na’t abala sila sa mga walang kuwentang bagay. Masuwerteng kulay-burgundy. Tips sa lotto-1-12-22-27-36-45.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Lihim mong pasayahin ang iyong mga mahal sa buhay. Kapag marami kang napasaya, lihim ka ring bibigyan ng regalo ng langit. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-3-19-23-28-31-42.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Ito ang tanging araw na para sa iyo. Humiling ka at makikita mo, ito ay agad-agad na magkakatotoo. Ano pang hinihintay mo? Hiling na! Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-8-14-20-25-30-32.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Saya at sigla ang dala ng hangin. Wala kang katuwiran kapag nalulungkot ka. Ikaw ang saya, sigla, at inspirasyon ng mga nasa paligid mo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-4-17-26-34-37-39.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Nasusugatan ang isda na sumasalungat sa agos. Kaya sakyan mo lang ang mga pangyayari. Tulad ng alon, lumilipas ang luma at araw-araw ay may bagong alon. Sa huli, magugulat ka, ikaw ay sasagana at ikaw ang magkakaroon ng pinakamalaking pakinabang. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-7-11-16-20-36-37.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page