top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Horoscope | Abril 26, 2022 (Martes)

BULGAR
Apr 26, 2022
2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| Abril 26, 2022


Sa may kaarawan ngayong Abril 26, 2022 (Martes): Magdaratingan ang suwerte mo sa mga hindi inaasahang pagkakataon, pero may suwerte ka rin na dahan-dahang gumuguhit sa iyong kapalaran.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Metal ang pinakaepektibo mong pampasuwerte. Kahit hindi mo dalhin sa iyong pupuntahan, sapat nang masalat lamang ito ng iyong kamay bago ka umalis ng bahay. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-8-10-18-29-36-42.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Nakakagulat at mahirap paniwalaan, pero ang iyong pampabuwenas ngayon ay ang ngiti ng iyong kapitbahay o kasama sa bahay. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-3-11-15-21-25-30.

GEMINI (May 21-June 20) - Hindi tao, hindi rin bagay ang iyong pampasuwerte kundi ang mabibilis na pag-aksiyon na parang hindi ka nag-isip nang sobrang tagal. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-11-17-29-31-36-43.

CANCER (June 21-July 22) - Kapag nilambing ka ng iyong karelasyon, ang mga suwerte ay darating sa iyong harapan at maging ang panalo ay iyo ring matitikman. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-21-27-30-32-37-45.


LEO (July 23-Aug. 22) - Pasayahin mo ang hindi mo kilala. Hindi mahalaga kung maliit lang na saya. Magugulat ka at hindi makakapaniwala na ang magagandang kapalaran ay darating sa buhay mo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-2-18-20-34-37-41.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Kakaiba ang paraan para ikaw ay suwertehin. Ito ay nagsasabing huwag kang darating nang eksakto sa oras sa usapan, kumbaga, puwede kang mas maaga o medyo magpahuli ka. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-5-16-17-24-33-42.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Magkunwari kang ayaw mo sa bagay na gusto mo. Dahil baka ito ang sikreto para mapasaiyo ang gusto mo na kunwari ay ayaw mo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-19-22-28-30-40-44.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Ipakita mong matapang ka, hindi sa pamamagitan ng away kundi sa haharapin mong hamon ng iyong kapalaran. Gawin mo ito upang ang malalaking pangarap mo ay mapasaiyo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-11-19-21-25-27-34.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Kapag matigas ang paninindigan mo, hahangaan ka at ang langit ay sasaludo sa iyo. Tatanggap ka ng malalaking suwerte sa buhay dahil napahanga mo ang nasa itaas. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-2-7-25-30-31-35.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Kalimutan mo na ikaw ay mahiyain. Sa ganitong paraan, masusumpungan ang sarili mo na nasa tabi ng iyong suwerte. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-5-11-18-23-38-42.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Magsuot ka ng kuwintas o palawit sa katawan. Ito ang iyong pinakamalakas na pampabuwenas. Gawin mo ito kahit nag-aalinlangan ka. Ito ang mensahe ng kapalaran mo. Masuwerteng kulay-apple green. Tips sa lotto-13-25-30-31-36-45.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Nakakatuwa ang paraan para ikaw ay suwertehin sa araw na ito. Ito ay nagsasabing dalasan mo lang ang pagtingin sa malayo. Gawin mo at magugulat ka dahil bubuwenasin ka nang sobra. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-3-10-18-23-27-33.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page