top of page
Search
  • BULGAR

Horoscope | Abril 24, 2024 (Miyerkules)

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | Ika- 24 Araw ng Abril 2024


Sa may kaarawan ngayong Abril 24, 2024 (Miyerkules): Ginagarantiyahan ang araw na ito na pagkakalooban ka ng magagandang kapalaran. Magsisimula itong mangyari ngayon, bukas at habang nabubuhay ka.

 

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Nakaabang sa landas ng buhay mo ang malaking suwerte, kabilang sa mga suwerteng ito ay ang pakikipagsapalaran. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-3-19-23-28-30-34.

 

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Salubungin mo nang may saya ang mga magdaratingan na suwerte. Sakto ito ngayon dahil magagandang kapalaran ang iyong makakamit na may kaugnayan sa salapi at materyal na bagay. Masuwerteng kulay-lilac. Tips sa lotto-2-11-13-29-33-45.

 

GEMINI (May 21-June 20) - Mula sa panalo, muli kang mananalo. Kaya ang panalo ay hindi mo dapat ubusin na parang bang walang pagpapahalaga sa mga biyayang ipinagkaloob sa iyo ng langit. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-5-17-25-31-33-41.

 

CANCER (June 21-July 22) - Matatamis na araw ang magsisimulang mangyari sa iyong karanasan na nagsasabing mapupuno ng kaligayahan at pagmamahal ang iyong puso. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-2-13-18-20-27-43.

 

LEO (July 23-Aug. 22) - Itaya mo ngayon ang kapalaran mo, dahil ang panalo ay tiyak na mapapasaiyo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-9-14-22-25-31-40.

 

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Umiwas ka sa mga taong paladaing, reklamador at mga iyakin. Wala kang mapapala sa kanila at baka mahawa ka pa sa kanila. Masuwerteng kulay-orange. Tips sa lotto-4-11-26-32-38-44.

 

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Bumanat ka ngayon, oo ngayon. Ang malalaking suwerte ay mapapasaiyo kung kikilos ka para mapaganda ang iyong kinabukasan. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-5-18-20-24-33-39.

 

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Linisin mo ang iyong isipan. Dahil ang isip na nakatuon sa negatibong bagay ay walang ibang dala kundi sunud-sunod na problema at kamalasan sa buhay. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-4-15-21-27-38-41.

 

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Hindi kung hindi, oo kung oo. Huwag mo na habaan pa ang sasabihin mo dahil ang mahabang pananalita ay nagpapalala lang ng magulong sitwasyon. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-6-15-17-25-33-40.

 

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) -  Ngayon na magsisimula ang magandang kapalaran mo, at ngayon mo na rin magagawa ang matagal mo nang pangako sa iyong sarili. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-1-9-14-24-30-42.

 

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Sasakit lang ang ulo mo sa mga taong ‘di naman marunong makinig ng paliwanag. Pero, matutuwa ka dahil kapag  hindi ka kumibo, roon nila mapagtatanto na sila pala ang mali at hindi ikaw. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-19-21-27-33-38-42.

 

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Harapin mo ngayon ang mga kaaway mo. Tiyak na matatalo at mapapahiya sila. Ngayon nila malalaman na sobrang hirap mo pala maging kaaway. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-18-22-25-34-37-44.


0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page