Horoscope | Abril 24, 2022 (Linggo)
ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| Abril 24, 2022
Sa may kaarawan ngayong Abril 24, 2022 (Linggo): Kagandahan ng buhay ang regalo sa iyo ng langit mula nang ikaw ay isinilang. Kaya kahit may mali sa mga pangyayari, sa bandang huli ay maaayos pa rin ang lahat.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Kikilos ka na parang masaya kahit may lungkot sa puso mo. Sa pagkilos nang may saya, ang mga suwerte ay mag-uunahang dumapo sa iyo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-11-17-20-26-33-39.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Sakyan mo lang ang agos ng kapalaran kahit sa totoo lang ay nakakanerbiyos ding sumakay sa agos ng buhay. Gayunman, lakasan mo ang iyong loob dahil dadalhin ka nito sa dulo ng iyong mga pangarap. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-15-20-21-24-25-36.
GEMINI (May 21-June 20) - Nagmamadali na lalapit ang magbibigay sa iyo ng masarap na buhay. Ikaw ay nahaharap sa pakikipagsapalaran, gayunman, kakaibang saya at suwerte ang idudulot nito sa iyo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-15-22-23-39-40-41.
CANCER (June 21-July 22) - Malambot ang damdamin mo ngayon, kaya mas malakas ang likas mong gayuma. Darating sa buhay mo ang napakalaking suwerte na para kang nanalo sa lotto. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-13-21-28-30-33-41.
LEO (July 23-Aug. 22) - Madali kang maisahan ngayon dahil mahina ka sa magpapakita sa iyo ng pagtingin na ang layunin lang naman ay hingan ka ng pabor. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-1-17-24-28-38-39.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Nagpasya ang langit na balewalain na lang ang mga kahinaan mo. Kaya ikaw ay bagong tao na may mga bago at sariwa ring kapalaran. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-14-23-32-38-40-42.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Nakakatuwa ang mga pangyayari sa iyong harapan dahil ang mapanghusga ay huhusgahan ng langit at ang hatol sa kanya ay aatras muna ang kanyang mga suwerte. Masuwerteng kulay-burgundy. Tips sa lotto-7-10-15-26-34-42.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Kakapusin sa oras ang mga lihim mong kaaway dahil ang hinahadlangan nila na ‘wag kang suwertehin ay hindi mangyayari. Sa halip, habang sila ay humahadlang, lalo kang susuwertehin at pagpapalain ng nasa itaas. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-12-20-22-29-30-31.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Magbubunga ang pagsisikap mo at bukod sa mga ito, tatanggap ka pa ng regalo mula sa langit na nakalaan sa mga taong may pangarap sa buhay. Ito ang mensahe sa iyo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-15-21-24-28-30-35.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Kahit nag-aalinlangan ka, tuloy pa rin ang magagandang kapalaran na para sa iyo dahil noon pa man, nakatakdang dumating sa araw na ito ang iyong mga suwerte. Tips sa lotto-19-23-26-30-41-42.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Dahil kinikilala at inaamin mong mahina ka, langit ang magbabantay sa iyo at bibigyan ka ng proteksiyon sa mga may masamang motibo at negatibong pangyayari. Kasabay nito ang pagdating ng mga suwerte. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-17-26-27-39-40-42.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Hinahanap ka ng mga suwerteng inutusan ng langit na dumapo sa iyo. At kahit magtago ka, hindi sila titigil hangga’t hindi nila natutupad ang kanilang misyon na ikaw ay bigyan ng malaking suwerte at kakaibang kaligayahan. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-7-10-16-22-28-37.




Comments