Horoscope | Abril 22, 2023 (Sabado)
ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | Abril 22, 2023
Sa may kaarawan ngayong Abril 22, 2023 (Sabado): Taglay mo ang kakayahang bigyan ng magandang kapalaran ang sinumang didikit sa iyo. Ang payo ng kapalaran ay unahin mo ang mga mahal mo kaysa sa ibang tao.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Ipahiram mo ang iyong lakas sa taong alam mong pinanghihinaan ng loob. Dati ka nang nagpahiram, kaya lumakas ang loob at umunlad ang kanyang buhay. Sa pagkakataong ito, magpahiram ka muli. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-8-10-29-20-24-31.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Kapag ayaw makinig, tumigil na sa pagpapaliwanag. Huwag kang magsayang ng oras sa mga taong sarili lang ang pinaniniwalaan at bingi sa payo ng kapwa. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-11-19-24-28-39-42.
GEMINI (May 21-June 20) - Hindi matatapos ang suwerteng darating sa iyo. Ihanda mo ang iyong sarili sa marami pang suwerte. Maging masinop at mapagpahalaga ka. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-19-24-30-35-39-40.
CANCER (June 21-July 22) - Mas malakas sa iyo ngayon ang makukulit. Kapag nahalata mong may nangungulit sa iyo, lumayo ka agad dahil mahina ang iyong kakayahang tumanggi. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-2-10-18-29-33-35.
LEO (July 23-Aug. 22) - Huwag mong pasanin ang hindi mo kaya. Ang mahalaga ay tumulong ka at ‘wag mong ipilit ang hindi mo kaya. Ito ang gabay mo sa buhay ngayon. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-9-16-17-27-29-34.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Maganda ang marunong magsabi ng mali. Ang hindi maganda ay pagpipilit ng akala’y tama. Kapag nasabi na ang opinyon mo, ang pinagsabihan na ang bahalang sumunod o hindi. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-18-22-26-28-31-37.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Sa iyo mapupunta ang mga biyaya at ang suwerteng manggagaling sa hindi nagpapahalaga ng suwerte nila. Nakakamangha na parang sadyang para sa iyo talaga ito. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-11-15-20-21-23-36.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Sumunod ka at sakyan mo lang ang makukulit at mas maganda kung makikiayon ka sa kanila. Sa una ay maiinis ka, ngunit sa huli, makikita mo na sila ang masayang kasama. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-7-10-13-17-29-30.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Ibaba mo ang iyong sarili tulad ng mga pangkaraniwan. Sa totoo lang, malungkot sa itaas at ang saya ay nasa mga pangkaraniwan ang buhay. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-7-18-29-33-37-38.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Mahahawi ang mga ulap, at bibigyang-daan ang liwanag. Ito ang mararanasan mo sa araw na ito, kung saan mawawala ang negatibong bagay sa buhay mo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-20-24-26-35-39-42.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Kung saan madadapuan ang mga naglalarong hangin sa iyong mga pisngi, ru’n ka maglagi. Ang hanging ito ay may dalang masaya at habambuhay na pag-ibig. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-6-10-11-15-29-32.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Gumaganda ang araw kapag maganda ang ikinikilos ng isang tao, kaya depende sa iyo kung ano ang magiging lagay ng iyong kapalaran. Ito ang gabay mo ngayon. Masuwerteng kulay-lilac. Tips sa lotto-1-17-20-21-28-41.




Comments