top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Horoscope | Abril 22, 2022 (Biyernes)

BULGAR
Apr 22, 2022
2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| Abril 22, 2022


Sa may kaarawan ngayong Abril 22, 2022 (Biyernes): Nang ikaw ay isinilang, kakambal mo na ang mga suwerte at ang iba sa mga ito ay hindi sinasadyang naipamigay mo sa mga nadikit sa iyo. Ang natitira ay gamitin mo para sa iyong sarili.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Muli, magdahan-dahan ka, hindi lahat ay nakukuha sa bilis at tsamba. Sa pagiging marahan, nakikita ang mga posibleng balakid at hadlang na sagabal sa iyong mga daraanan. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-burgundy. Tips sa lotto-3-18-20-26-38-40.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Ito ang araw na bigla kang pagkakalooban ng suwerte at magagandang kapalaran. Huwag kang mag-alinlangan at magdalawang-isip, hablutin mo agad ang magandang kapalarang darating upang hindi na mapunta sa iba. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-13-29-31-32-37-42.

GEMINI (May 21-June 20) - Nagsisimula nang magpakita ang naggagandahang bituin sa langit ngayong tag-araw. Dahil dito, ang personalidad mo ay mas gaganda tulad ng mga bituin kung saan mas marami ang maaakit sa iyo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-11-28-29-30-31-36.

CANCER (June 21-July 22) - Taas-baba ang mga alon sa dagat. Taas-baba rin ang galaw ng iyong kapalaran kung saan sa huli, masusumpungan mo ang dagat at ikaw ay punumpuno ng kayamanan at kasaganaan. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-2-18-25-39-40-42.

LEO (July 23-Aug. 22) - Sisilip sa iyo ang mga suwerte at kapag nakitang kapos ka sa magagandang kapalaran, tuluyang papasok ang mga ito sa buhay mo nang may galak. Sa ganitong paraan, ang suwerteng pumasok ay hindi na aalis kailanman. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-11-17-25-26-35-41.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Itaya mo ang kapalaran at ikaw ang mananalo. Ang umaatras sa laban ay talunan, hindi ka talunan at ikaw ay kabilang sa mga mananalo. Ito ang mensahe ng kapalaran mo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-6-9-15-16-24-35.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Sala sa init, sala sa lamig, sino kaya siya? Sino pa nga ba, kundi ikaw. Sa araw na ito, pabago-bago ka ng gusto at naiiba ang iyong pananaw sa bawat minuto. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-14-22-27-30-31-34.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Nagbabanggaan ang dalawang nasa iisang linya na magkasalungat. Kaya hindi nakapagtataka kung bakit nakakabanggaan mo ang mga malapit sa puso mo na salungat sa iyong mga gusto. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-7-10-15-21-27-37.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Kikilos ang langit at gagawa ng paraan upang kayanin mo ang mga hindi mo kaya. Gayundin, upang ang huling halakhak ay mapunta sa iyo. Oo, susuwertehin ka dahil ganito ka kamahal ng nasa itaas. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-14-19-21-28-30-42.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Iyung-iyo ang araw na ito. Pero sa una, aakalain mong talo ka ng iyong mga karibal, ngunit sa huli, kusa silang susuko sa iyo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-4-18-20-24-31-33.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Suwerte ka sa ngayon. Sino naman ang malas? Walang iba kundi ang mga kontrabida sa buhay mo at silang mga lihim na naiinggit at naninira sa iyo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-16-20-26-28-38-40.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Tulad ng mga gumagalang mabilis na kabayo, ang malalaking suwerte ay nagmamadaling pumasok sa kapalaran mo at makikita ng lahat na hindi ka mahina tulad ng kanilang inaakala. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-19-20-25-38-39-42.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page