top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Horoscope | Abril 20, 2022 (Miyerkules)

BULGAR
Apr 20, 2022
2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| Abril 20, 2022


Sa may kaarawan ngayong Abril 20, 2022 (Miyerkules): Uunlad ang buhay mo at tuluyan kang yayaman kung ikaw ay makikipagsapalaran sa mga bagong ideya. Ito ang mensahe ng araw ng iyong pagsilang.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Madali kang mapaniwala ngayon. Umiwas ka sa mga umaasta na marami siyang alam. Mas maganda na ang nag-iingat kaysa magsisi sa huli. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-8-11-18-24-26-33.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Hindi ka magkakamali kapag sinunod mo ang iyong unang plano. Kaya kahit may magagandang ideya kang naririnig, mas mabuting magbingi-bingihan ka dahil muli, ang unang plano ang dapat mong ipatupad. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-6-13-15-20-21-24.

GEMINI (May 21-June 20) - Nasa mga kamay mo ang iyong tagumpay. Mahirap mang paniwalaan, wala sa iyong isip ang sikreto para makuha mo ang iyong gusto. Kumilos ka na, ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-3-18-25-28-34-42.

CANCER (June 21-July 22) - Isang hakbang paatras at sundan mo agad ng dalawang hakbang pasulong. Ito ang isabuhay mo dahil ito ang para sa katuparan ng malalaking ambisyon mo sa buhay. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-9-18-19-27-34-41.

LEO (July 23-Aug. 22) - Bumababa ang nasa itaas, ito ay batas ng uniberso na kailangan mong maunawaan. Panatilihin mo na hindi ka sumagad sa itaas at alalay ka lang sa tinatamasa mong ganda ng buhay. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-6-17-20-28-31-35.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Hindi masama ang nagtatanong para madagdagan ang kaalaman at masama ang nagtatanong na naghihintay ng pagkakamali mula sa sasagot. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-orange. Tips sa lotto-16-21-27-34-37-41.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Kaya ng tao na matukoy kung ano ang mabuti at masama. Kaya naman hindi ka maliligaw sa pasya na makakabuti para sa iyong buhay. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-15-17-25-28-30-38.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Ngayon mo isabuhay ang mga natutunan mo sa mga sinasabi ng eksperto. Dahil walang kabuluhan ang pag-iimbak ng mga kaalaman kung hindi naman gagamitin. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-6-18-20-26-39-40.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Masasaksihan mo ngayon ang katotohanang bawal husgahan ang kapwa dahil ang manghuhusga ay makikita mong huhusgahan ng nasa itaas. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-11-19-23-31-36-42.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Nagiging mataas na bundok ang mga naipong alikabok. Kaya ang payo, simula ngayon ay mag-ipon ka. Ang pag-iipong ito ay makabuluhang bagay na mag-aangat sa iyong buhay. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-2-10-15-18-22-27.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Lahat ay may kani-kanyang kahinaan. Pagtiyagaan mong alamin ang kahinaan ng umaasta na siya ay malakas at ang gusto ay maniwala ka. Ituloy mo lang ang plano mo dahil kinasiyahan ka na ng langit at ang lahat ng ito ay isa-isang matutupad ngayon. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-5-13-26-31-32-41.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Ito ang araw na sasabay sa pamumulaklak ng mga halaman sa kapaligiran ang iyong suwerte at magagandang kapalaran. Gawin mo na ang lahat ng gusto mong gawin at ito ay tiyak na mamumunga ng kakaibang suwerte at katuparan. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-4-19-21-29-30-37.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page