Horoscope | Abril 2, 2022 (Sabado)
ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| Abril 2, 2022
Sa may kaarawan ngayong Abril 2, 2022 (Sabado): Gagantihan ng langit ang iyong kabutihang loob. Pagkakalooban ka ng isang ilog na hindi humihinto ang agos ng walang hanggang biyaya.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Ingatan mong maging emosyunal. Kapag damdamin ang umiiral, ang tamang pangangatwiran ay nakakalimutan. Muli, huwag kang maging emosyunal. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-4-19-20-23-38-41.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Kayanin mo ang akala mo ay hindi mo kaya. Sa ganitong
paraan, sobrang lumiligaya ang tao dahil nagagawa pala niya ang ayon sa kanya ay
imposibleng bagay. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-3-18-20-23-28-34.
GEMINI (May 21-June 20) - Kikislap ang mga pangyayari sa iyong harapan, ingatan mo
na maakit ka ng mga kislap na walang tunay pakinabang kundi ang dagliang saya
lamang. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-3-11-17-20-24-33.
CANCER (June 21-July 22) - Manghiram ka ng kaalaman sa alam mong kumikita ng
malaki. Magpaturo ka nang sa gayun ay umasenso ka rin at huwag mong ipagdamot ang
iyong mga matututunan. Masuwerteng kulay-silver. Tips sa lotto-1-19-23-39-40-46.
LEO (July 23-Aug. 22) - Huwag mong patulan ang mahina. Oo, hindi pinapatulan ang
mahihina, lalo na ang mahina sa isip o pagpapaalam kung ano ang tama at tuwid. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-5-17-20-24-38-42.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Dagdagan mo pa ang pagkilos mo nang sa gayun ay hindi
masayang ang maraming pakinabang na nasa iyong harapan. Ang kilos nang kilos ay tiyak na yayaman. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-2-17-23-30-35-43.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Mahirap makatakas ang tao sa yakap sa kanya ng saya. Pero
kapag inisip niya na hindi lang sa saya nabubuhay ang tao, makakalag niya ang tanikala
na nakagapos sa kanya. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-9-10-16-17-28-37.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Bawasan mo ang pag-iisip. Kapag sobrang dami ng inuubos
na oras sa kaiisip, humihinto ang katawan at humihina rin ang kanyang kalusugan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-1-18-29-31-33-35.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Mahirap man ang mga obligasyon, ito ay kailangang
gawin at tapusin. Dahil ang tunay na kaligayahan ay nadadama pagkatapos ng mabigat na gawain. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-6-18-20-22-27-39-41.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Huwag mong habulin ang oras. Bakit mo papahirapan
ang sarili mo gayung puwede namang kalmante ka lang, lalo na kapag maaga ka. Ito ang
mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-6-11-15-24-25-34.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Hayaan mong langit ang magbigay kung sino ang iyong
kaligayahan. Kung pag-aaralan mo, kapag ikaw ang nasunod, kalungkutan lang ang
napasasaiyo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-19-21-28-30-38-43.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Huwag mong pilitin ang mahirap pakiusapan. Magsasayang
ka lang ng oras at ang hindi maganda ay masasaktan lang ang iyong kalooban. Ito ang
mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-6-19-20-25-27-31.




Comments