top of page
Search
  • BULGAR

Horoscope | Abril 19, 2024 (Biyernes)

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | Ika-19 Araw ng Abril 2024


SA MAY KAARAWAN NGAYONG ABRIL 19, 2024 (Biyernes): Masaya ang buhay. Ngunit, kung makikipagsapalaran ka mas lalo kang sasaya.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Sikat ng haring araw ang  magpapasigla sa iyo. Kaya kahit sandali lang, subukan mo pa ring magpaaraw, dahil init ang susi para mabuhay ang natutulog mong suwerte. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-8-19-20-39-34-48.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Nasa kaliwa at kanan ang suwerte mo. Ibig sabihin, nasa mga kaibigan at bago mong kakilala ang magandang kapalaran na mag-aangat sa buhay mo ngayon. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-5-11-14-23-35-45.


GEMINI (May 21-June 20) - Magdagdag ka ng bilis, upang mas madami kang makuhang oportunidad. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-silver. Tips sa lotto-4-19-25-30-35-43.


CANCER (June 21-July 22) - Iwasan mo ang labis na pagtitiwala sa ibang tao. Mas maganda kung ano ang gusto mong gawin, gawin mong mag-isa. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-11-17-27-33-35-42.


LEO (July 23-Aug. 22) - Muling bubukas ang pintuan ng langit para sa mga espesyal mong kahilingan. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-4-18-20-25-34-41.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Kung ngayon mo sisimulan ang negosyong pinaplano mo, dapat may bendisyon ito ng mga kaibigan mo. Dahil ito ang magsisilbi mong pampasuwerte. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-2-19-27-36-38-45.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Hindi mahalaga kung totoo o hindi. Ang mahalaga ay wala kang masaktan na damdamin dahil lamang sa haka-hakang alam mo ngayon. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-4-11-18-27-31-33.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Kung saan ka madadalian, iyon ang iyong piliin. Hindi ngayon ang panahon upang pahirapan ang iyong sarili. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-3-19-22-24-39-45.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Ang lahat ng sobra ay dapat binabawasan. Kapag nasobrahan ka sa trabaho, mamahinga ka rin, nang sa gayun ay makaiwas ka sa pagkakaroon ng karamdaman. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-2-18-27-33-39-44.

 

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Isipin at planuhin mo ang iyong kinabukasan. Ang pagpaplano ng buhay ay kailangan patungo sa pagyaman. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-3-13-26-34-40-45.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) – Ngayon mo kailangan magkaroon ng pagbabago. Masuwerteng kulay-gold. Tips sa lotto-9-18-25-28-38-43.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Hinihikayat ka ng kapalaran mo para magbagong buhay. Ang pagbabagong ito ang daan upang marating mo ang malaking tagumpay at pagyaman. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-7-11-23-36-41-44.


0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page