top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Horoscope | Abril 19, 2022 (Martes)

BULGAR
Apr 19, 2022
2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| Abril 19, 2022


Sa may kaarawan ngayong Abril 19, 2022 (Martes): Hindi ka masisisi kung bakit sa magaganda ka naaakit. Dahil ang araw ng iyong pagsilang ay nagsasabing magaganda talaga ang iyong kapalaran.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Naggagandahang ideya ang maglalabas-pasok sa isip mo. Kahit ano ang mapili mong dapat lakipan ng kaukulang pagkilos, makakaasa ka na mas gaganda ang iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-16-20-23-28-30-35.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Iyung-iyo ang araw na ito. Gawin mo na ang anumang gusto mo dahil langit mismo ang kukunsinti sa iyo dahil ang araw ding ito ay inilaan sa iyo para sumaya ka nang husto. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-18-21-25-39-41-42.


GEMINI (May 21-June 20) - Maaakit ka sa masayang kumilos. Ikaw ay binabalaan na ang masasayang kumilos ay hindi seryoso sa buhay at magseseryoso lamang sila kapag mabigat na ang problema. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-14-21-29-30-31-34.


CANCER (June 21-July 22) - Lumabas ka ng bahay at ikaw ay sisigla. Manatili ka nang matagal sa bahay at hihina ang iyong resistensiya. Sa madaling salita, mas magandang namamasyal, lalo na sa mga lugar na malapit sa kalikasan. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-11-18-25-26-30-41.


LEO (July 23-Aug. 22) - Mabigat na problema kapag nahulog ang loob mo sa tutulungan mo. Hawakan mo ang iyong sarili dahil ang tunay na maganda para sa tao ay ang nabubuhay nang payapa ang isipan. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-13-20-21-26-27-32.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Kikislap ang mga mata mo at ito ay nangangahulugan na ikaw ay biglang nakadama ng pag-ibig. Hindi ka inaawat na umibig, pero kilalanin mo muna nang husto ang nagpakislap sa mga mata mo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-13-22-28-30-33-37.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Suwerte ka ngayon. Sino naman ang malas? Sino pa nga ba kundi ang mga kontrabida sa buhay mo, gayundin ang mga lihim na naghahangad na mabigo ka sa iyong mga pangarap. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-15-21-28-29-30-31.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Mabuti ang nakikinig sa payo mula sa malapit na kaibigan dahil higit kaninuman, ang tunay na kaibigan ang lubos na nakakakilala sa iyo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-burgundy. Tips sa lotto-13-14-21-25-36-42.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Huwag mong ipagdamot ang hindi mo na kailangan. Sa araw na ito, susuwertehin ka kapag nagbawas ka ng mga hindi mo gaanong napapakinabangan. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-11-15-24-27-38-40.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Kusang lalapit sa iyo ang mga suwerte. Noon pa man, madalas na nangyayari sa iyo na ang mga suwerte ay kusang nagdaratingan sa iyong kapalaran. Magpasalamat ka sa nasa itaas. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-17-20-23-25-28-30.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Umiinit na ang panahon, kaya iinit na rin ang kapalaran mo. Ngunit may epekto pa sa iyo ang mabigat na problemang kailan mo lang naranasan. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-16-21-23-32-40-41.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Huwag mo nang habulin pa ang nawala sa iyo. Ang harapin mo ay ang mga nagdaratingang bagong oportunidad na magbibigay sa iyo ng magagandang kapalaran. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-14-29-33-37-38-41.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page