Horoscope | Abril 18, 2022 (Lunes)
ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| Abril 18, 2022
Sa may kaarawan ngayong Abril 18, 2022 (Lunes): Yayaman ka sa pagnenegosyo. Huwag ka nang mag-atubili pa na simulan na ang pagkakaroon mo ng sariling pagkakakitaan. Ito ang payo ng iyong kapalaran.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Huwag mong hayaan na guluhin ka ng iyong isip sa mga negatibong pananaw. Ang taong pinanahanan ng mga negatibong kaisipan ay malabong umunlad. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-1-16-29-30-33-39.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Makinig ka sa palakuwento dahil may mapupulot kang sikreto ng mabilis na pagpapayaman. Hayaan mo lang at huwag mong kontrahin. Muli, ang payo ay makinig ka lang. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-11-14-15-23-38-42.
GEMINI (May 21-June 20) - Huwag mong sanayin ang kakaibang sigla na iyong madadala. Sa halip, ituon mo ito sa pagpapalago ng kabuhayan. Manghihinayang ka kapag sa ibang bagay mo inilagay ang iyong kasiglahan. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-5-16-20-21-25-36.
CANCER (June 21-July 22) - Mabilis na pagbabago ng isip ang mangyayari sa iyo. Kahit ikaw sa sarili mo ay hindi makakapaniwala. Gayunman, ang lahat ay para sa ikagaganda ng iyong buhay. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-13-21-29-32-38-42.
LEO (July 23-Aug. 22) - Daig ng maagap ang masipag. Ito ngayon ang mga salitang magdadala sa iyo sa lugar kung saan makakaharap mo ang iyong mga suwerte. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-19-20-25-27-35-38.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Kung sino ang papanigan mo, siya ang susuwertehin. Kung sino ang ayawan mo, siya ang mamalasin. Hawak-hawak mo sa kasalukuyan ang kapalaran ng mga nasa paligid mo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-2-9-21-23-28-30.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Muli, ayon sa kapalaran mo, kung saan ka masaya, roon ka. Huwag kang makinig sa payo ng iba na kahit malungkot, ang piliin mo ay kakampihan ka nila. Bihira lang ang kumakampi sa mga taong malungkutin at bigo sa buhay. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-14-25-28-34-36-42.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Mag-ingat ka sa sarili mo dahil may babala na ikaw mismo ang gagawa ng mga bagay na magbibigay ng sakit sa iyong damdamin at kalooban. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-11-14-22-23-31-33.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Kikita ka ng marami kung ipatutupad mo ang noon mo pa naiisip na ang mahalaga ay mabilis maubos kahit ang iyong presyo ay mas mababa sa kalakaran. Masuwerteng kulay-lilac. Tips sa lotto-8-11-13-21-25-28.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Huwag kang tumingin sa pinag-aralan. Ang pagtuunan mo ng pansin at pahalagahan ay ang iyong kinabukasan. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-16-27-29-31-35-41.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Singbilis ng kidlat ang mga suwerte na dadapo sa iyong kapalaran. Kapag marunong kang magpahalaga at magmahal sa mga suwerte mo, panghabambuhay na ito. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-15-22-26-33-35-41.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Sakyan mo lang ang agos ng iyong kapalaran dahil dadalhin ka nito kung nasaan ang katuparan ng iyong mga pangarap. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-18-21-23-37-39-40.




Comments