Horoscope | Abril 13, 2022 (Miyerkules)
ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| Abril 13, 2022
Sa may kaarawan ngayong Abril 13, 2022 (Miyerkules): Hindi ka dapat magpaapekto sa mga negatibong komentaryo tungkol sa iyo. Ituloy mo lang ang sarili mong pagsisikap dahil tiyak na magtatagumpay ka.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Maghanda ka. Iba ang nakahanda kaysa sa nasusurpresa. Pamalagiin mong ikaw ay positibo at masigla dahil ang mga araw sa taong ito ay para sa mga bagong oportunidad. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-9-18-20-23-37-42.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Huwag mong kaligtaan ang mga aral sa buhay na iyong natutunan sa nakaraan. Magagamit mo ang mga ito habang nagdaratingan ang iyong magagandang kapalaran. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-1-17-24-30-33-45.
GEMINI (May 21-June 20) - Magsasawa ka sa masasayang pangyayaring guguhit sa kapalaran mo ngayong taon. Ingatan mo dahil sa nangyari noon na nagsawa ka lang at napunta ka sa mga maling tao. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-12-28-30-31-32-41.
CANCER (June 21-July 22) - Huwag kang magtaka sa mga bagong pakikipagsapalaran na lalagay sa iyong harapan ngayong taon. Huwag mong kalimutan na rito sa mundo, mas maganda ang nakikipagsapalaran. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-3-11-15-27-40-46.
LEO (July 23-Aug. 22) - Magmatyag ka. Ngayong tag-araw, mas papalarin ka, pero kung hindi, mag-iingat ka dahil marami ang mananamantala sa iyo. Ang minsan nang nandaya ay muling nandadaya, ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-18-19-20-25-34-37.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Minsan, ang pagkakamali ay may malaking epekto sa buhay ng isang tao. Hindi mangyayari sa iyo ang ganito kung hindi ka makikinig sa mga payo mula sa maling tao. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-16-19-22-28-35-41.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Magbalik-tanaw ka sa nakaraan, makikita mo na marami ka ring naging kabiguan, pero sa kabuuan, mas masaya at maganda ang hinaharap na nakaumang sa iyo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-1-15-16-24-35-41.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Maamo at mabait ang tupa at ito ay totoo. Pero masamang magalit ang mabait at maamo. Ikaw ay tupa, hindi ka puwedeng magalit nang husto dahil maraming buhay ang masisira. Masuwerteng kulay-burgundy. Tips sa lotto-14-18-21-23-39-42.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Maraming bituin ang mahuhulog mula sa itaas. Sila ang mga taong nalasing sa kasikatan. Ito ay iyong masasaksihan sa panahon ng halalan at ngayong tag-araw. Kumuha ka ng aral sa kanilang naging buhay. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-18-20-24-28-30-43.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Magdaratingan sa buhay mo ang marami at malalaking pagsubok sa taong ito. Pero matatala sa Aklat ng Kapalaran mo na hindi ka natinag at lalo ka pang bubuwenasin. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-6-13-14-23-37-44.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Nakikita ng mga mata ang panlabas na anyo, pero ang puso ay nadarama ang nakatagong ganda. Ang payo para sa iyo ay nagsasabing ‘wag basta-bastang maniniwala sa iyong nakikita. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-19-22-27-35-41-46.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Hindi tama na maging bahagi ka ng buhay ng isang tao na may nakaraan ng pangit na kaganapan. Maawa ka, pero umiwas ka na madikit sa kanya dahil nakakahawa ang kamalasan. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-7-14-17-20-21-37.




Comments