Horoscope | Abril 12, 2022 (Martes)
ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| Abril 12, 2022
Sa may kaarawan ngayong Abril 12, 2022 (Martes): Patuloy na aangat ang iyong buhay hanggang sumuko ang mga lantad at lihim mong kaaway. Ito ang kahulugan ng araw ng iyong pagsilang.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Tiwala sa sarili ang magdadala sa iyo sa lugar kung saan maraming suwerte sa buhay ang mapasasaiyo. Kaya, muli, magtiwala ka sa iyong sarili. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-9-19-20-23-29-35.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Kung nasaan ang pagkakasundo, ru’n ka lumugar. Kung nasaan ang hindi pagkakaunawaan, ‘yun ang iyong iwasan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-8-11-15-29-30-36.
GEMINI (May 21-June 20) - Kung makikinabang ka, bakit hindi ka susuko? Sa mundo, ang lahat ay nagtatrabaho para makinabang. Lahat ay nagsisikap kapalit ang benepisyo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-5-17-21-24-33-39.
CANCER (June 21-July 22) - Nakakatuwa ang kapalaran mo ngayon. Ang mapipili mo ay mali, pero mahimalang ang magagandang kapalaran para sa tama ay mapasasaiyo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-19-20-28-30-36-42.
LEO (July 23-Aug. 22) - Biglaan na parang isang kisap-mata ang mangyayari sa buhay mo. Sa una, aayaw ka, pero sa huli ay masusumpungan mo ang iyong sarili na mapalad ka, saan ka man napunta. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-8-10-14-23-31-45.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Huwag mong pahirapan ang iyong sarili na tulad ng ginagawa ng iba na kahit mahirapan ay pinipili ang isang bagay. Kung saan ka masaya, roon ka. Ito ang sikreto ng kapalaran mo. Masuwerteng kulay-silver. Tips sa lotto-12-14-29-37-41-42.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Tanggapin mo ang pagpapakumbaba ng isang tao. Kung galit ka, bawasan mo ang iyong galit at makikita mo na sa huli, higit na liligaya kayong dalawa. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-18-28-31-37-41-46.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Hindi pinipilit ang makulit. Hayaan mo ang kanyang diskarte dahil sa huli ay kusa ring mawawala ang kanyang kakulitan dahil siya ay nagpapapansin lamang. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-2-16-30-33-36-44.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Tataas pa ang mga nasa mataas na kung sila ay mangangarap na tumaas pa. Mangarap ka nang mangarap. Huwag mong kakalimutan na ito ang susi para maabot mo ang tugatog ng tagumpay. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-4-10-16-25-34-38.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Maghintay ka. Huwag kang mainip dahil ang paghihintay ay para sa mga tulad mong kusang nilalapitan ng magagandang kapalaran. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-6-19-22-28-30-32.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Kung sino ang para sa iyo ay mapasasaiyo. Ang hindi sa iyo ay hindi sa iyo. Hayaan mong sila ang mamili at hindi ikaw. Sa ganitong paraan, ang kapalaran mo ay mas gaganda kaysa sa dati. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-7-18-20-21-28-31.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Makipagsaplaran ka at ikaw ay mananalo. Ito ay dahil ang mga suwerte ay talagang para sa iyo at ang mga kamalasan ay para sa mga makikipaglaban sa iyo nang palihim. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-5-11-15-29-30-37.




Comments