Horoscope | Abril 12, 2021 ((Lunes)
ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| April 12, 2021
Sa may kaarawan ngayong Abril 12, 2021 (Lunes): Mismong langit ang magpapaganda ng kapalaran mo. Ito ay mangyayari kahit marami kang pagkakamali sa buhay mo.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Kumuha ka ng lakas sa iyong mga inspirasyon dahil kung sarili mo lang ang iyong aasahan, maaaring talunin ka ng mga negatibong pananaw. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-8-10-14-28-30-36.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Balikan mo ang iyong mga nakaraang tagumpay. Makikita mong ang kinakaharap mong pagsubok ay hindi naman kasing laki at kasing bigat ng iyong mga tinalo na. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-11-18-23-28-39-41.
GEMINI (May 21-June 20) - Huwag mong pansinin ang mga kumokontra sa iyo. Katulad ng nakaraan, wala silang magagawa kundi ang mamangha sa magagandang kapalaran na mapasasaiyo ngayon. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-14-21-27-37-40-45.
CANCER (June 21-July 22) - Sukatin mo ang pagkatao ng nagpapakita ng pagtingin sa iyo. Hindi na dapat maulit pa ang nakaraan kung saan hindi mo kinikilala nang lubusan ang nagkakagusto sa iyo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-15-20-36-40-43-44.
LEO (July 23-Aug. 22) - Malaking hamon para sa iyo na bigyang katuparan ang pangarap mong mag-abroad. Ibinabalita rin ng iyong kapalaran na malalaking tagumpay ang mapasasaiyo sa pag-a-abroad mo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-18-24-25-33-35-41.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Muli kang pahihiramin ng lakas ng isang tagapayo mo na kahit pamamali-mali ka ay hindi ka iniiwanan. Siya rin ay magsisilbing pampasuwerte mo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-14-18-26-34-38-42.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Huwag mong pahirapan ang iyong sarili. Kung ano ang magaan at madaling gawin para sa iyo, ‘yun ang piliin mo. Muli, huwag mong pahirapan ang iyong sarili. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-3-16-25-29-33-32.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Habang hinahamon ka, lumalabas ang galing at husay mo, kaya wala kang dapat ipag-alala. Sa halip, dapat ay matuwa ka kapag may mga sasalungat sa iyong kagustuhan. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-15-18-23-39-40-46.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Paramihin mo ang maliit na suwerteng dadapo sa iyo. Ito ang magsisilbing binhi ng iyong malalaki at magagandang kapalaran. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-9-11-16-23-34-40.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Maliit na bagay ay pinalalaki mo. Maganda ito kung sa maliit at magandang ideya ay palalakihin mo, pero ito ay hindi maganda kung ang maliit na pagkakamali ay palalakihin mo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-5-17-20-25-26-42.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Labanan mo ang sarili mong kahinaan. Magagawa mo ito sa pamamagitan ng paglalabas ng iyong magagandang katangian. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-4-19-20-24-39-44.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Maaaring mag-alinlangan ka at hindi makapaniwala na sa mga araw na ito ay magdaratingan ang mga suwerte mo kahit wala kang ginagawang anuman ngayon. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-6-11-14-26-30-39.




Comments