top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Horoscope | Abril 11, 2022 (Lunes)

BULGAR
Apr 11, 2022
2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| Abril 11, 2022


Sa may kaarawan ngayong Abril 11, 2022 (Lunes): Itutok mo sa iisang layunin ang iyong galing at husay. Kapag marami kang pinagkakaabalahan, wala kang mararating sa iyong buhay.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Sapat ang iyong lakas ng loob para harapin ang mga bagong pakikipagsapalaran para sa ikauunlad ng iyong buhay. Hinding-hindi ka mabibigo, ikaw ay tiyak na yayaman. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-3-19-20-23-38-43.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Isa-isa lang, huwag mong pagsasabay-sabayin ang iyong maraming kagustuhan sa buhay. Kapag maraming hawak ang kamay, walang tatag ang pagkakahawak. Masuwerteng kulay-lilac. Tips sa lotto-12-18-24-29-30-34.


GEMINI (May 21-June 20) - Hindi makukuha ang malaking proyekto kapag hindi bumuo ng plano. Bumuo ka ng matibay na plano at ang lahat ng mga pangarap at gusto mo ay ibibigay sa iyo ng langit sa lalong madaling panahon na hindi mo rin inaasahan. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-1-17-21-28-31-35.


CANCER (June 21-July 22) - Huwag mong pilitin ang ayaw. Sa buhay ng tao, ang nakuha sa pilit ay mabilis ding mawawala. Isabuhay mo ang paghihintay at maghintay ka nang may positibong pananaw. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-7-10-13-33-39-40.

LEO (July 23-Aug. 22) - Makakabuti ang magduda sa motibo ng nagpapakita sa iyo ng maganda. Hindi sa lahat ng pagkakataon, ang pagdududa ay negatibong gawain. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-9-11-18-22-28-38.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Huwag mong banggain ang may pangit na ugali dahil malaki ang posibilidad na mahawahan ka ng pangit niyang pagkatao. Mas maganda na umiwas ka na lang sa kanya. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-18-20-24-27-38-41.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Dumating na ang takdang araw para sa iyo upang magtanim. Ang itatanim mo ay magagandang gawi at ugali at makakaasa ka na aani ka ng kasaganaan at kaligayahan sa susunod na mga buwan at taon. Magaganda at hitik na suwerte ang iyong aanihin. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-7-21-24-28-31-32.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Mabilis na parang kidlat na dadapo sa iyo ang mga suwerte. Biglang darami ang iyong mga kaibigan at ang mga taong ang nais lang ay mabahagian mo ng kabuhayan. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-8-11-18-29-30-37.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Hindi madaling hanapin ang suwerte. Madalas, ito ay pinaghihirapan tulad ng pagkuha sa nakabaong kayamanan. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran sa araw na ito. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-19-21-25-34-41-44.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Mag-ingat ka. Ang minsan nang nandaya sa iyo ay muli kang dadayain. Kaya mas mabuting lumayo ka sa mga kilala mo na may masamang pag-uugali. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-9-10-15-28-39-41.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Huwag kang mag-alinlangan sa magandang pagkakataon na nasa iyong harapan. Sunggaban mo ito at iyong yakapin dahil ito na ang pagkakataon upang magbago ang buhay mo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-5-14-15-23-36-40.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Itaya mo ang iyong kapalaran at mananalo ka. Huwag kang tumaya at manghihinayang ka. Sa mundo, ang buhay ay isang pakikipagsapalaran. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-5-19-20-25-32-39.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page