top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Horoscope | Abril 10, 2022 (Linggo)

BULGAR
Apr 10, 2022
2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| Abril 10, 2022


Sa may kaarawan ngayong Abril 10, 2022 (Linggo): Mapalad ka kaysa sa iba dahil kahit kulangin ka sa sigasig at sigla, ang mga suwerte ay nagdaratingan sa buhay mo.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Kumilos ka na parang nakuha mo na ang gusto mo at magugulat ka dahil ito ay magkakatotoo. Hindi kaya ng langit na malungkot ka ngayon at sa darating pang mga araw. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-9-10-15-23-29-33.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Hindi ka bibiguin ng iyong kapalaran dahil magbubunga ng marami at malalaking pakinabang ang iyong mga pagsisikap. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran sa araw na ito. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-17-20-21-25-34-38.

GEMINI (May 21-June 20) - Muli, huwag kang maging mapilit dahil minsan, kung sino ang mapilit, siya ang nabibigo. Kaya hintayin mo lang ang mga suwerte mo dahil makakatiyak ka na mapasasaiyo ang mga ito nang walang kahirap-hirap. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-11-18-22-21-31-35.

CANCER (June 21-July 22) - Ngayon magsisimula ang pagbabago na iyong pinakaaasam-asam. Bagong buhay, bagong kapalaran at bagong mga suwerte ang magdaratingan sa iyong harapan. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-2-10-14-26-41-45.

LEO (July 23-Aug. 22) - Kumilos ka kahit simpleng pagkilos lamang nang sa gayun ay umandar ang gulong ng iyong kapalaran. Ang hindi pagkilos ay katumbas ng pagtulog ng iyong buhay sa kawalan. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-19-29-30-32-40-46.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Tataas ang kita mo kapag patuloy kang namumuhunan ng sikap at pagod. At hindi ka puwedeng mamahinga ngayon dahil ang masuwerteng balita ay marami ka pang kikitain. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-18-28-37-38-41-43.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Nasa todong lakas ang iyong mga suwerte. Ang malalaking panalo ay para sa iyo at ang malalaking kabiguan ay para sa mga kontrabida sa buhay mo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-3-11-14-25-32-33.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Magdagdag ka ng puhunan nang sa gayun ay lumaki pa ang iyong pakinabang. Magdagdag ka rin ng sipag upang magtuloy-tuloy ang mga pagsulong ng buhay mo. Masuwerteng kulay-orange. Tips sa lotto-4-15-16-18-20-35.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Huwag mong pilitin ang ayaw maniwala sa iyo dahil masasayang lang ang oras mo sa kanila. Hintayin mo na lang sila na sabay-sabay mapahiya sa kanilang mga sarili. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-13-15-26-27-30-38.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Huwag mong balikan ang hindi nagkaroon ng katapusan. Ang susi sa maligayang buhay ay hindi na naghahabol sa nakaraan kahit ito ay mahalaga sa biglang tingin. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-18-20-21-25-28-42.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Bilisan mo. Bilis ang magdadala sa iyo sa lugar kung saan yakap-yakap mo ang mga suwerte, lalo na sa larangan ng masaganang kinabukasan. Kaya ‘wag kang mag-aalinlangan. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-3-11-14-23-39-40.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Dumarating ang mga biyaya para sa iyo mula sa malalayo. May paparating pang mas malalaki at mas magagalak ka. Harapin mo ang mga araw nang may positibong pananaw. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-6-7-15-16-24-41.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page