Horoscope | Abril 1, 2022 (Biyernes)
- BULGAR
- Apr 1, 2022
- 2 min read
ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| Abril 1, 2022
Sa may kaarawan ngayong Abril 1, 2022 (Biyernes): Masuwerte ka. Ang kayamanan, katalinuhan at kasikatan ay ginagarantiyahan ng araw ng iyong pagsilang.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Muling ipinaaalala sa iyo na kapag masaya ka, mas maraming magagandang bagay ang mangyayari sa buhay mo. Kaya bakit hindi mo hanapin ang magpapasaya sa iyo? Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-2-10-15-28-26-43.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Mamasyal at makipagkuwentuhan ka. Hindi makakaganda sa buhay mo ang madalang kang umalis ng bahay at ang kawalan ng kausap ay hindi rin makakabuti para sa iyo. Masuwerteng kulay-lilac. Tips sa lotto-11-15-22-28-37-42.
GEMINI (May 21-June 20) - Dagdag na suwerte ang para sa iyo, kumbaga, susuwertehin ka at ang suwerte ay masusundan ng iba pang mas malalaking suwerte. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-12-24-26-30-37-41.
CANCER (June 21-July 22) - Kumilos ka na parang hawak-hawak mo na ang iyong pinapangarap. Ito ay sikreto na isinabuhay ng mga nagtagumpay na. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-7-10-14-22-24-38.
LEO (July 23-Aug. 22) - Hawakan mo ang nasa iyo na at saka mo paramihin. Ang ganitong pormula ng pagpapayaman ang dapat mong isabuhay dahil ang iyong kapalaran ay sumasang-ayon. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-16-18-21-27-34-36.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Kakaibang sigla ang hatid sa iyo ng araw na ito. Magagamit mo ito sa anumang layunin sa buhay, pero ang rekomendasyon ay itutok mo sa kung paano mapasasaiyo ang iyong pangarap. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-6-11-15-23-27-30.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Bumili ka ng bagong kasuotan dahil ito ang magsisilbing pampasuwerte mo sa buhay. Ang mga nabili mo nang akala mo’y pampasuwerte ay ‘wag mo nang gamitin. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-9-12-16-27-30-31.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Kahit maraming makakapal na ulap sa kalangitan, ang langit ay nagsasaya para sa iyo dahil muling nagdaratingan ang magagandang bagay sa buhay mo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-15-16-20-21-25-33.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Magtanim at may aanihin. Ang walang itinanim ay walang aanihin. Ngayon ka magtanim ng magagandang bagay nang sa gayun ay ubod ng ganda ng buhay mo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-3-19-22-26-27-46.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Hindi mahalaga kung may umaalalay na sa iyo ngayon. Ang pasya ng langit ay bigyan ka pa ng alalay sa buhay mo. Tanggapin mo ito dahil muli, ito ay pasya ng langit. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-18-24-28-30-31-36.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Huwag mong sayangin ang mga biyayang nasa iyo. Huwag mong tularan ang iba na kapag masaya ay nagsasayang at kung anu-anong walang kabuluhang gawain ang inaatupag. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-9-13-18-29-30-31.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Hindi ka mapipigilan sa pagpaplano sa pagpunta sa malalayong lugar. At kahit hindi ka pa handa, walang magagawa ang kahit na sino dahil itutuloy mo ito. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-7-10-14-24-29-44.




Comments