Hook The Hustler at Meghan Maxene, makikilatis
ni Green Lantern - @Renda at Latigo | February 05, 2022
Magtatagisan ng bilis ang anim na tigasing kabayo sa magaganap na 3-Year-Old & Above Maiden Race na ilalarga sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite.
Posibleng magdomina sa bentahan ang kalahok na sina Hook The Hustler at Meghan Maxene sa distansyang 1,400 meter race.
Rerendahan ni dating Philippine Sportswriters Association, (PSA) Jockey-of-the-Year awardee Jessie Guce si Meghan Maxene habang ang tigasing apprentice na si Pabs Cabalejo ang sasakay kay Hook The Hustler.
Ang ibang kalahok sa event na suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM) sa pamumuno ni chairman Reli De Loen ay sina Smart Ise, Vitreus, Rafi's Point at Gee's Favorite.
"Balita ko mahuhusay 'yan sina Hook The Hustler at Meghan Maxene kaya dyan na ako lalagay sa kanila," sabi ni Gerry Guanio, karerista.
May added prize na P10,000 para sa mananalong 3-year-old na kabayo. Maliban sa nasabing race, inaasahang aabangan din ng mga karerista ang pangalawang karera dahil doon magsisimula ang carry over sa winner take all.
Ayon sa ibang karerista, kahapon, (Biyernes) pa nila pinag-aaralan ang line up upang masilip ang mga posibleng tayaan para sa kanilang gagawing winner take all.
Paglalabanan ng mga karerista ang carry over na P2,556,424.00, may 12 kabayo ang pagpipilian ng mga karerista sa 2022 PHILRACOM Rating Based Handicapping System.
Kaya paniguradong todo aral ang ginawa ng mga karerista para makapili ng maayos na tatayaan.
Magtatagisan ng bilis sina Don Albertini, Good Reason, Fortess, Avalone Bandit, Chef Cat, Tomorrow land, No Regret, Rodrigo, Lord Luis, Noir, Step Bell at Queen Marguax.
Nakalaan ang P25,000 added prize na ikakalat sa unang apat na kabayong tatawid sa meta habang tatanggap ng karagdagang P5,000 ang winning horse owner.
Mga Pili ni Green Lantern:
Race 1. Meghan Maxene (5), Hook The Hustler (4)
Race 2. No Regret (6), Rodrigo (7), Step Bell (11)
Race 3. Signature Whiskey (10), Kapangyarihan (12), Sky Plus (1)
Race 4. Rockaway (11), Sagitsit (3), Pulido (8)
Race 5. Regan Bell (11), Monument (1), Sapin Sapin (9)
Race 6. Yes Kitty (1), Pretty Meadow (5), Lucky Noh Noh (2)
Race 7. Cherubim (1), Abel Iloko (4), Den Deren Denden (7)
Race 8. Fantastic Matty (2), Spunk Attack (11), Aida's Favorite (7)
Patok - Rockaway, Cherubim
Pandehado - Regan Bell,





Comments